Pagtatagpo..
--
"Alos dos na din pala ng hapon." Sambit niya habang nakatingin sa orasan at katatapos niya lang maligo. Nais kasi niyang puntahan si Kei dahil nagaalala siya dito, ilang linggo na din kasi hindi ito nadadalaw.
Pumara siya sa Taxi at nagpahatid sa lugar na sinabi niya "RICHMOND"
"Manong pwede po ba na ipasok ang kotse sa loob? Kasi St. Agustin st. No.-76 yung bahay baka ho! Kasi maligaw ako."
"Oo, magbibigay na lamang ako ng lisensya sa gwurdiya"
Binaybay nila dahan dahan ang mga bahay upang makita ang mga Numero nito. At sa hindi kalayuan ay natanaw na mg driver ang No.-76. Ibinaba siya nito dito at nabighani siya sa ganda at desenyo ng bahay. Pinindot niya ang doorbell at marahan siya tumingin sa butas ng Gate. Pero walang sumasagot kaya minabuti na niyang tawagan.
"The number you have dialed is either un-attended or out of coverage area."
Sinubukan niya muling pindutin ang doorbell pero wala talaga lumalabas.
"Miss, Wala po'ng tao ngayon diyan. Nag out of town po si Ms.Keira. halos magiisang buwan na po namin binabantayan ang bahay nila. At pang apat na po kayong pumunta. Baka ho! Matatagalan pa ang paguwi sa dami niyang dalang maleta."
"Ganun po ba?" Napaisip siya ag saglit pa'y pinagmasdan ang bahay "Ano na kayang nangyayare"sabi niya sa isip
"Isabay ko na po kayo palabas."
--
Tahimik at nagiisip si Winona habang nakasakay sa Taxi pauwi sa bahay nila. Halos matulala soya dahil sa pagaalala sa kaibigan.
Sa di kalayuan ng bahay nila ay nakita niya ang sasakyan ni Kian. Kahit papaano ay natuwa siya pero may isa pang puting sasakyan na nakaparada sa mismong harap ng bahay nila at may apat na lalaking nakatayo sa labas. Kinabahan siya kaya nagpahinto siya sa di kalayuan sa bahay nila."Kian?"
"Nasaan ka?" May onting inis niyang tanong.
"May mga tao sa labas ng bahay."
"Kasama ko sila. Nasaan ka na ba?" Doon ko siya nakita na lumabas ng gate. "Ikaw ba yung nakasakay sa Taxi?"
"Kian. May problema ba?"
"Bumaba ka na."
"Natatakot ako. Sino sila?"
"Kasama ko sila wag ka magalala. Bumaba ka na" nakita ko siyang papalapit sa Taxi. Kinatok niya ang bintana. "Bumaba ka na"
Dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse. Halatang takot base sa itsura niya.
"Wag ka matakot hindi kita papabayaan."
Nakapasok na sila sa loob at tila naiilang pa din siya.
"Winona?" Kumunot ang noo niya at dahan dahan tumingin sa direksyon ng nagsalita. Mabilis siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Akala ko talaga patay ka na. Akala ko talaga T_T. Sorry anak sa mahabang panahon. Sumuko ako, naniwala ako kay Tessie mapatawad mo sana ako." Mabilis siya pumiglas.
"Kian?"
"Winona. Siya, siya ang Tatay natin pareho. Siya si joaquin Claridad."
Winona's Pov.
Ramdam ko ang panlalamig ng kamay at paa ko. Isabay mo pa ang pagpapawis ng kili-kili ko.
"Ako ang Daddy mo Winona." Pero hindi ko siya pinansin at tumingin ako kay Kian dahil nalilito ako. Iba pala talaga kapag nakaharap mo na. Hindi pa kasi ako handa at nagpa-plano palang ako kung kailan ko balak makita siya. Pero sinurpresa ako ni Kian, at talagang gulat na gulat ako.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...