Unforgettable Nights.
--
"Napaka swerte mo kay Privo." Bulalas ni Weng
"Mas swerte ako sa kaniya Weng, dahil naramdaman ko ulit na mahalin ako. Alam mo naman ang pinagdaan ko diba? Siguro nga si Kelly ang naging way para maramdaman ko ulit ang saya"
"Mabuti na din yan. Deserve mo na din lahat yan. Osya mauuna na ako ah. Ilang oras nalang magbubukas na tayo. Magaasikaso muna ako ng sarili ko.
lumipas na din ng ilang linggo ang relasyon namin ni Privo. Madalas na din siya nagpupunta dito minsan pa ay nagdadala ng bulaklak at chocolate na mas lalong kinainis sa akin ni Farra, hindi lang si Farra kundi ilan kababaihan na katrabaho ko.
Ninanais ko naman makausap siya at ayusin ang anu man galit niya sa akin, pero matigas siya at hindi ako pinapansin.
Calling Privo.. mabilis ko itong sinagot.
"How are you? Ang dami kong paper works mukang hindi ako makakapunta diyan ngayon."
"Ganun ba? Okay lang." Etong mga nakaraan araw ay tila aburido si Privo. Siguro dahil sa trabaho niya na mag-isa niyang pinatatakbo ang negosyo nila. pero hindi siya nagsawang lambingin, tawagan o kamustahin ako. Kahit hindi kami magkasama yung presensya niya ay feeling ko andito lang. hindi niya din mapigilan na i-surprise ako. Lalo na tong cellphone na bili niya.
"But i assure na ppntahan kita bukas. Sana maintindihan mo Iloveyou."
At diyan na naputol ang paguusap namin.
"Winona" tawag saakin ni Kelly.
"May naghahanap sayo. Ilan beses na din siya nagpupunta dito, labasin mo na hanggat d pa tayo nagbubukas mukang may imporatante siyang kailangan sayo."
Yung lalaking sinsabe nilang naghahanap sa akin. Hindi na ako nagsayang pa nang oras ay dali-dali din akong lumabas. At hindi ako nagkamali sa tindig pa lang ni Kian ay alam kong siya yan kahit hindi siya nakaharap.
"Kian" tawag ko sa kaniya. Nangilid ang mga luha ko at parang isa isang bumabalik ang lahat ng trahedyang kasama ko siya sa kamay mismo ng ina niya,
"Winona" niyakap niya ako at doon na mas bumuhos ang luha ko. Dahil akala ko'y siya ang makakaligtas sa akin noon. "Kamusta kana? Matagal ko pang nalaman kay Mommy kung san ka dinala. Dahik araw araw ako inuusig ng konsensya ko. Madalas kitang napapanaginipan dahil baka ano nang ginawa nila sayo"
"Okay lang ako Kian. Maayos naman sila sa akin dito lalo si Kelly, pinagbili ako dito ng Mommy mo sa halagang 100K. Wag kang magalala hindi ako galit sayo." Pagkatapos nun ay niyakap niya akong muli at wala siyang sawang manghingi ng Sorry"
Naging maayos na ang lahat at nagkapaliwanagan na din kami ni Kian. Binalita din niya na nakakulong sina Tiya Tessie at Kuya Ben dahil sangkot ang dalawa sa ilegal drugs. Tunay ngang totoo ang karma. Nagpaalam na din ako sa kaniya dahil oras na nagtrabaho ko. Pero sinabihan ko siya na andito lang ako kung gusto man niya ako makita.
--
"Ready kana ba?" Usisa sa akin ni Weng habang nakaharap sa salamin. Hindi kasi mawala sa isip ko si Kian lalo na't masakit din para sa kaniya na makulong ang magulang niya. Pero siguro diyos na din ang nagparusa sa lahat ng kalokohan nilang ginwa sa akin noon, "Oh? Mukang malalim iniisip mo, sino ba yun?"
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...