CHAPTER Three

662 13 2
                                    

Unforgettable Night..

--

Sa bawat araw ay para akong nakikipaglaro sa pakikipag patintero kay Kuya Ben. Eto nalang kasi ang naiisip kong paraan na iwasan nalang. Naglalakad din ako ngayon sa kwarto ni Tiya dahil meron akong gustong sabihin nakakuha din kasi ako ng Tyempo dahil nanonood si Kuya Ben sa baba.

Tinawag ko ang pangalan niya at sinalubong niya ako ng pagsalubong ng kilay.

"Bakit anong problema mo?" Nagulat ako ng makita kong may pasa siya sa mata. Kaya pala hindi siya bumababa at nananatili dito sa kwarto. Feeling ko nnaman tuloy wrong timing ako sa sasabihin ko.

"Ano? Kung wala kang sasabihin bumaba ka bwisit" sabay balik sa kama.

"Tiya!" Bago ko pa ituloy ay bumuntong hininga ako ng malalim. "Aalis na po ako"

"Oh. Edi bumaba kana"

"Hindi po iyon ang gusto kong sabihin." Pero mas lalo yata siyang nainis. Napasangga din ako sa dahil akala ko sasampalin niya ako ulit.

"Hindi ka aalis dito. Walang aalis maliwanag?

"Pero, gustong gusto ko na po. Babalik nalang ako dun sa bahay ni Lola."

"Babalik ka kahit nabenta na? Talagang nanggagago kang bata ka. Hindi ka aalis maliwanag? Wag kang sumabay sa problema ko hindi ka nakakatulong perwisyo."

"Bakit anong problema dito?- singit ng isang pamilyar na boses kaya hindi na ako nagpaligoy pa kundi sumibat nako paalis.

--

"Nasan na yung sinsabe mong katulong niyo na irerefer mo dito? I told you malaki ang ibabayad ko sayo. Nakikita mo naman mayayaman ang nagpupunta dito, kaya kailangan ko medyo bata at fresh pa"

"Ikaw naman. Naghihintay pa ako ng tamang pagkakataon basta gusto ko maayos na bigayan kundi babawiin ko siya sayo. Hindi kana lugi don maganda na at seksi."

"Talaga ba? Buti hindi nagmana sayo."

"Hoy mas maganda ako no? At hindi talaga yun mag-mamana sa akin o sa pamilya namin dahil hindi naman siya totoong apostol. Katulong lang siya ng Auntie ko noon. At anak siya ng dati namin labandera kaya hindi-hindi mangyayareng dadaloy ang dugo namin sa kaniya.

"Okay fine. So? Aasahan ko yan ha. Bilisan mo baka magbago pa isip ko.

"Hmm. Hndi yan magbabago kapag nakita mona ang manok ko"

--

Anong oras na at tila walang tumatawag sa pangalan ko. Bandang alas tres na kasi ng hapon at nagiisip pa din ako ng magandang idea paano makakaalis. Binantaan kasi ako ni Tiya na ipapakulong niya ako kapag umalis ako. Natakot din ako dahil mas may kakayahan siyang gawan akoa ng masama lalong-lalo na si Ben.

Lumabas din ako agad dahil nakaramdam ako ng gutom. Sumilip din ako sa sala pero walang tao. At laking gulat ko ng makita kong nasa Kusina si Kuya Ben at nagluluto.

"Oh nandyan ka pala, masama ba pakiramdam mo? Pinagluto na kita." Hinawakan niya ako sa braso kaya agad din akong piglas. nawalan na din ako ng gana kaya madalian lumabas na ko. Pero sa hindi ko inaasahan ay bigla niya akong hinila at sa pagkalakas ay bumalandra ako sa kaniya at sabay niya akong niyakap. Nilakasan kona ang pwersa ko sa pagtulak pero napakalakas niya. Pilit din niya inaabot ang labi ko nag-uumiyak na ako at iniisip ko na sana dumating si Kian.

"Wag kang sisigaw malilintikan ka sakin. Isa wag kanang maarte. Mabilis lang naman eh! Bbigyan pa kita ng pera wag kang magaalala hndi ko to ilalabas." Sabay hipo sa maseselan kong katawan.

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon