Unforgettable Night.
--
Nang makaalis siya sa bahay nila Arah ay walang humpay sa pagda-drive si Privo hanggang marating niya ang bahay nila Winona. Matagal niyang pinagmasdan ang kabuuan ng apartment matagal tagal din siyang nagmamasid at nagulat siya ng may biglang lumabas na lalaki mula sa bahay nila. Nagulat siya at tila tumalon ang puso niya. Sinipat niya ang lalaki at nakaalis na din ito sakay sakay ng scooter.
Napatingin siya sa relo niya at bandang alas otso na din ng gabi. Bumaba na siya at naglakad papunta sa pinto ng apartment ni Winona. Mabuti na lamang ay hindi naisara ng maayos ang gate. Sinimulan niyang kumatok naka ilang beses pa siya bago niya buksan
"Oh! May naiwan ka?" Doon na nagulat si Winona ng tumambad sa harapan niya si Privo na masama ang tabas ng muka.
"Privo?" Hindi na siya nagpatumpik pa kundi pumasok na siya sa loob at siya mismo ang nagsarado ng pinto. "Hindi ka na dapat nagpupunta pa dito Privo wag mo na kami guluhin masaya na kaming ilang taon na wala ka sa buhay namin. Umalis kana habang hindi pa nagigising si Queeny"
Hindi siya nito pinakinggan bagkus naupo siya sa sofa habang nakatungo. Doon natahimik si Winona at nagulat sa inasal ni Privo. "Saan ko ilulugar ang sarili ko? T___T" mas nagulat pa ito ng marinig niyang umiiyak na pala ito.
"Ganun ganun mo na lang ba itatapon ang lahat? Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Halos mapalunok nalang si Winona habang nakatitig sa umiiyak na Privo
"Lasing ka ba Privo? Umuwi ka na."
"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" Doon ay tumingin si Privo sa direksyon niya at kitang kita ni Winona ang mga luhang rumaragasa sa mga mata niya, "Wala na ba kahit onting pagmamahal?"
"Umuwi ka na Privo."
"Pinagtatabuyan mo pa ko? Dahil ano nakakuha ka agad ng bagong ipapalit mo?"
"Anong sinsabe mo?
"Nakita ko, kitang kita ko" doon ay napaisip si Winona,
"Mahal na mahal pa din kita hindi nagbago, lahat na ginagawa ko para hindi na maituloy ang kasal. Halos lumuhod na ako sa harapan ni Arah pero hindi effective. Paano pa ako lalaban kung mismong taong pinaglalaban ko ay hindi na pala ako mahal"
"Mag-usap tayo ng maayos Privo. Gusto ko na din kuhain ang pagkakataon na to gusto ko ipaliwag sayo ang lahat. Matagal tagal na din ang lumipas Privo kinaya ko mamuhay ng hindi ka kasama, nabuhay kami ng anak ko na tahimik pero ng dumating ka nagulo na namam. Pinaiiwas na ako sayo ni Tita Alicia sobra ang galit nila sa akin dahil inagaw daw kita, hindi ako nakapagbigay ng paliwanag dahil hindi ko kayang dumepensa. Ilang araw ako nagisip at inintindi ang lahat pero mas mawawalan ng kasiyahan ang anak ko kung magpapakasal ka at handa ako kung mangyayare man dahil wala akong ibang magagawa, kaya kahit anong gawin ko ikaw pa din ang iniisip ko at kung gusto mo ng kasagutan mahal pa din kita hindi nagbago, pero paano kung mdaming tao ang humahadlang"
Hinawakan niya ang kamay ni Winona at inakay ito papunta sa kaniya. Kapwa silang nagiiyakan at kitang kita ang kalungkutan ng bawat isa.
"Gumagawa ako ng paraan para hindi matuloy. Pero kung hindi magagawan sumama ka sa akin. Magpakalayo-layo tayo magtiwala ka ito na lang ang naiisip kong paraan dahil lutang na ako hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko na makilala naman ako ng anak ko at hindi Tito lang ang itawag niya sa akin."
"Privo natatakot ako sa kahihinatnan. Paano ka? Paano kami? Paano ang trabaho at lahat ng kailangan mo gampanan sa negosyo niyo? Mali to mali.
"Makinig ka Winona, magtiwala ka pagkatiwalaan mo ako, tatlong taon ang lumipas baka mabaliw ako oras na mawala na naamn kayo sa akin." Matagal tagal siyang nakapag isip at naghihintay din si Privo ng kasagutan niya.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...