Unforgettable Nights..
●●
"Nakikiramay ako Win. :( "
"Hindi pa din ako makapaniwalang nagiisa nalang ako. T_T
"Shhh.. wag kang magsalita ng ganyan andito pa din ako at kung may kailangan ka wag kang mahiyang pumunta sa bahay."
"Hindi na kailangan Arah. Meron pa naman akong isang kamag-anak si Tiya Tessie. Baka doon muna ako manuluyan pansamantala.
"Paano pagaaral mo? Ilang beses kanang patigil-tigil"
"Hayaan mo na tanggap ko na din naman na ito ang kapalaran ko. Kaya kapag nailibing na si Lola doon na muna ako.
Walang ibang nagawa si Arah kundi damayan ang kaibigan saksi kasi ito sa lahat ng pinagdadaan ni Winona. Naging sandalan niya din ito madalas lalo na kapag nagigipit siya. Mayaman kasi si Arah at hindi sila magkalebel kung sa tutuusin. Pero sa itsura ni Winona ay madali siyang magkakaroon ng kaibigan lalo na't napakabait nito. Hindi lang maganda at sexy kundi may mabuting puso talaga.
"Basta kapag kailngan mo ako wag kang mahiyang tumawag. Kung ayaw mo dun sa Tiya mo welcome ka sa bahay namin,
"Maraming salamat Arah."
"Ikaw pa ba"
Nailibing na si Lola at naghintay at nagpalipas muna ako ng ilang araw dito. Napagusapan kasi namin ni Tiya Tessie na susunduin niya ako dito. Kaya inayos ko muna ang iilang gamit ko. Sa tutuusin ayoko talagang iwanan ang bahay na to, pero wala akong choice dahil napagalaman kong binenta na pala ito ni tiya Tessie ang panganay na anak ni Lola.
"Winona" sinilip ko kung saan iyon nanggagaling at tumambad sa akin si Tiya Tessie. "Lumabad kana diyan at aalis na tayo" hindi na ako nagpatumpik tumpik pa dahil excited na din akong tumira sa kaniya lalo na sa mga pinangako niyang Libreng pagpapaaral.
Wala na din akong naging maayos na pagpapaalam kay Arah. Kaya napagdisisyunan ko nalang na dalawin sa sa mga susunod pang araw.
Dalawa silang sumundo saakin gamit ang pulang sasakyan. May halong saya at hindi pailiwanag na kaba dahil nagalala ako sa kahihinatnan ko sa pagtira ko sa kanila.
"Nga pala Winona Si Ben live in partner ko" Sa hula ng isip ko ay hindi ako nagkamali, muka naman mabait si Kuya Ben kaya gagawin ko nalang lahat upang maging maayos ang pakikisama ko.
Nakarating na kami sa bahay ni Tiya. Tumambad saamin ang malaking gate na luma na at sa labas ay mga tuyong halaman. May kalakihan ang bahay at hindi siguro linis lang babalik sa dating ayos to.
"Halika na Winona" tinulungan ako ni Kuya Ben na maipasok ang gamit ko. Nagkadikit pa ang kamay namin dahil di ko inaasahan na sabay namin mahahawakan yung maleta ko.
"Dito ang kwarto mo."
"Salamat po Tiya Tessie. :)
"Wag ka muna magpasalamat hindi mo pa nga napagtatrabahuhan ang lahat ng iyan."
"Po?" Nag-iba ang awra niya at tila nagiba ang kutob ko. Kinabahan ako dahil yung kaninang maayos na pakitungo saakin ni Tiya ay may halong kasungitan na.
"Nga pala. Magbihis kana ng pambahay at ipagluto mo na kami ng tanghalian. Mahaba haba din ang byahe at kailangan kong magpahinga." Nagiging magulo ang isip ko dahil sa pagiging sarkastiko niya. Kaya nakaramdaman ako ng hiya dahil mali pala ang inaasahan ko.
"Ano po ang lulutuin Tiya?"
"Maghanap ka sa Ref." Nagulantang naman ako dahil bigla akong kinindatan ni Kuya Ben. Kumunot ang noo ko at mabilis ko silang tinalikuran. Naalaram ako dahil iba ang kutob ko sa lalaking iyon
nakapagluto na din ako at hinain ko na ang niluto kong tinola. Pero habang naghahain ako ay napapansin ko na kahit hindi ako nakatingin ay malagkit ang tingin niya sa akin. Hindi ko na iyon pinansin bagkus hinayaan ko dahil baka kinikilatis niya lang ako.
"Oh! Kararating mo lang? Halika na't kumain kana" naiangat ko ang ulo sa lalaking tinawag ni Tiya. Nagkatinginan kami at mabilis niyang iniwas
"Wala akong ganang kumain busog ako."
"Bastos talaga yan anak mo kahit kailan" gumilid ang mata ko ay sinundan siya ng tingin. May anak pa lang lalaki si Tiya Tessie at hindi ako magkakamali magkasing-edad lang kami at pinsan ko siya. Hindi pala kaming dalawa nalang kundi tatlo pa.
"Andito ka kasi e. Alam mo naman" sa puntong ito ay may nararamdmaan akong hidwaan pagitan sa kanila.
"Hindi ka pa ba kakain o Tatayo ka lang diyan? Kumain kana dahil huhugasan mo pa yan"
Lumipas ang ilan pang araw ay naging okay naman. May pagkakataon masungit si Tiya pero nagaadjust nalang ako at isa pa ay nakikitira lamang ako. Nais ko din sana ngang magtanong tungkol sa libreng pagaaral ko pero kapag magsasabi ako ay nattyempong mainit ang ulo,
Ako na din ang namamalengke at nagaasikaso sa loob ng bahay na to. Medyo naiba ang nakagawian ko pero unti'unti ko naman nang nakakasanayan to.
"Anong pagkain?"
"Ah. Ikaw pala! Nagluto na ko ng sinigang" pero imbis na tignan ako ay iniwasan ako.
"Ako nga pala si Winona. Win nalang tutal magpinsan naman tayo ikaw?" Pero tinignan lang niya ako at naweirduhan ako sa inasal niya. Kaya umiwas nalang ako at bumalik sa kwarto ko.
Months left.
Sa ilang buwan kong pakikisama sa kanila ay medyo natatabangan na ako kay Tiya Tessie. Madalas kasi siyang mainitin ang ulo at ilang linggo ko na din hindi nakikita si Kuya Ben.
"Putang ina, talagang ayaw mong sagutin hayop ka" ganyan na lamang ang salitang narinig ko mula sa kwarto ni Tiya. Nais ko kasi siyang kausapin about sa pagaaral ko dahil ilang buwan na din akong nandito at mahuhuli ako sa enrollment.
"Tiya Tessie?" Bumungad saakin ang nakakunot niyang noo.
"Ano? Bakit problema mo?" Sa pagkakataon na to ay nagtaas na siya ng boses,
"Itatanong ko lang po sana kung kailan ako pwede mag-enroll." Mas lalo kumumot ang noo niya at sumama ang tingin niya sa akin.
"Ano sabi mo?"
"Ah, e-h. Yung sa pagaaral po"
"Pagaaral? Bakit may patago ka? May pera bang binigay sa akin yang Lola mo? Bago ka humirit ng paaral.
"Diba po sabi niyo? Bago ako tumungton dito.
"Aba'y nangangatwiran ka pang babae ka "Pak" Ang kapal ng mukha mo. At nakuha mo pang sabihin sa akin yan. Hindi kita pagaaralin kung nasabi ko man yon. Pautot ko lang yun incase na ayaw mong sumama. Wala kana din naman choice diba? Kundi sumama saakin dahil akala mo ako na lang ang natitira mong kamag anak. Pwes hindi! Hindi kita kaano ano at Tiyahin ko lang ang Tangang kumopkop sayo. Kaya hindi ka magaaral dito ka sa akin magtatrabaho sa ayaw mo man o gusto. Lumabas kana"
Namintig ang tenga ko at manhid pa din ang sampal niya sa muka ko. Hindi ko akalain na ganun pala ang magiging trato sa akin ni Tiya Tessie. Akala ko din na may natitira pa akong kamag-anak nalito tuloy ako dahil, hindi pala ako totoong apo ni Lola? Mas lalong bumuhos ang luha ko kasabay nun ang pagsalubong namin dalawa ng akala kong pinsan ko din. Yung akala kong maayos na inaasahan ko ay hindi pala. T_T
Vote/Comment.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomansaKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...