"CHAPTER TWO

728 16 0
                                    

Unforgettable Night.

●●

"Winona, Winona."

"Po?

"Magluto ka at dadating si Ben. Bilisan mo" nadako naman ang tingin ko sa kaniya. Tila galit ito kasabay nun ang pagalis niya. Si kian

"Saan ka nanaman pupunta Kian."

"Sa lugar kung saan tahimik"

"Bwisit na bata, oh? Ano pa tinutunganga mo diyan?" Baling niya agad sakin,

Habang nagluluto ako ay hindi mawala sa isip ko si Kian. Nagtataka ako dahil ganun na lamang ang trato niya sa kaniyang ina. Ni hindi ko sila makitang nagsasabay kumain o makitang naguusap. At sa tuwing pupunta si Kuya Ben ay gigis na siyang umalis ng bahay. Parang may nangyari noon na hanggang ngayon kinikimkim pa din ni Kian.

"Winona maghain kana." Magiliw niyang tono. May halong kilig at hindi maipaliwanag na boses.


Habang naghahain ako ay wala din tigil sa landian ang dalawa. Parang mga teenager kung mag-away at akala mo Pbb Teens kung maglandian para mga millenials pa kung magsi inarte e.

"Kain na po"

"Tara na Mahal. Ako nagluto nito para sayo, alam mo naman na miss na miss na kita. "

Yumuko nalang ako dahil hindi maayos sa mata ang ginagawa nila. Masyadong Rated Spg.

"Tess. Umayos ka nga andyan pa si Winona oh." Sabay tingin sa akin ni Tiya.

"Hayaan mo nga siya. Matagal kong hinintay to ilang araw na akong tigang kaya paligayahin mo ako mamaya" medyo nabingi ako at tila nawalan na nang delikadesa si Tiya.

"Ano pa bang gnagawa mo dito? Kunin mo ang mga gamit ni Ben at dalahin mo sa kwarto ko. Dahil dito na siya titira." Titira?" Sa isip ko sabay tingin ko sa kaniya at nakangiti pa ito. Paano na si Kian? Baka tuluyan na siyang hindi umuwi dito. Naiintriga tuloy ako.

--

Lumipas na naman ang mga araw na walang Kian na dumadating napapanis tuloy mga itinatabi kong pagkain sa kaniya. Alas dose na din pasado oh baka hindi na nga siya umuwi tsk ipapakain ko nanaman to sa aso.

Habang sinasalin ko ang pagkain ay may kakaiba akong naririnig. Kinabahan din ako dahil ako nalang ang gising kaya nagmadali akong hugasan ang platito at matulog na. Pero sa hindi ko inaasahan ay napatakip ako ng bibig at napiit ang paglabas ko sa kusina ng makita ko si Tiya at Kuya Ben na naghahalikan. Kitang-kitang ko din kung paano tanggalin ni Tiya ang sinturon ni Kuya Ben at ilabas ang ari nito. Hindi ko na natiis kaya naglakad ako ng mabilis papasok sa loob ng kwarto. Sa likod ng pinto ay naghahabol ako ng hininga. Hindi ko akalain na ganun ang masasaksihan ko sa dis oras ng gabi. Kung saan sa hagdan pa sila gumagawa ng milagro. Kaya siguro ayaw umuwi ni Kian dahil baka siya din mismo nakikita ang ginagawa ng Mama niya.

Kinaumagahan ay naghanda na ako ng almusal dahil sandamakmak na sermon nanaman ang gagawin saakin ni Tiya. Naunang bumaba ni Kuya Ben. Hinain ko sa lamesa at mabilis akong pumasok sa kusina dahil naiirita at nandidiri ako sa mga nasaksihan ko kagabe.

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon