Unforgettable Nigths..
--
Gabi na nang dumating sila sa lugar na pagmamay-ari ni eli ang kaibigan ni Privo. Inilabas na nila ang gamit at ipinasok na sa loob. Eskinita at hindi madaling matutunton ang lugar dahil tago ito at isa to sa mga resthouse nila. Habang nagbababa ay nauna nang pumasok ang mag-ina at inilapag niya ang anak sa higaan. May kalakiha din ito at pang isang buong pamilya din kung susukatin ang bahay.
"Hanggang kelan niyo balak mag stay dito Ivo?"
"As long na kaya namin manatili dito"
"I see. Anyway bukas na ang araw ng kasla niyo ni Arah" Doon ay naudlot ang pagbaba ni Winona at nakinig sa kanila.
"I feel sorry to her Eli. pinaliwanag ko sa kaniya lahat sinabi ko na hindi ko siya mahal at mas priority ko si Winona lalong lalo ang anak ko."
"Nagaalala ako sa mangyayare Ivo."
"I will make sure na hanggat kaya ko na hindi sila makita gagawin ko. Inalisan nila ako ng kasiyahan para mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya ko madami na eli, madami na ang nangyare at isa sila sa may dahilan kung bakit naging miserable ang lahat."
"Sabagay noon ka pa naghahanap diyan kay Winona. Sasayangin mo pa ba ang pagkakataon. Basta sa abot ng makakaya namin ni Kei handa kaming tumulong."
"Salamat"
Kinabukasan
Maagang nagising si Privo upang ipaghanda ng kakainin ang magina niya. Itinuturing niyang panibagong buhay ang araw na ito dahil malayo sila sa stress at makakapamuhay na sila ng maayos. Ipinagluto niya ang mahal niya ng scrambled egg with bacon at fried rice at sinamahan pa ng gatas. Masaya at sobrang cheer ang pinakakawalan na energy ni Privo sa puntong ito.
tinaas niya ang dalawa sa kwarto at nadatnan niyang malayo ang tingin nito habang malalim ang iniisip. Kaya biglang nagiba ang ihip ng hangin na ang kaninang masaya at napalitan nang pagaalala.
"Winona"
"Kanina ka pa diyan?"
"May problema ba Winona?" Matagal siyang nakapagsalita at napahawak nalang siya sa kaniyang leeg. "Masama ba pakiramdam mo?"
"Okay lang ako privo." Nilapitan niya ito at hinipo ang noo. Malamig naman ito kaya mas lalong nagtaka kung bakit ganun ang tungo ni Winona.
"Hindi ko alam kung tama ba ang lahat ng ito."
"Ngayon ka pa ba nagsisisi kung kelan malayo na tayo sa kanila?"
"Hindi ko alam, naguguluhan ako. Basta!!"
"Tama ang lahat Winona, walang mali at wala ako pinagsisihan ano bang problema mo?"
"Bakit hindi mo sa akin sinabe na ngayon ang araw ng kasal niyo ni Arah?" Naguluhan pa ito at nagtaka sa inasal nito.
"Winona"
"Para akong sinakasal Privo. Nakokonsensya ako na sa araw mismo ng kasal niyo ni Arah ay wala mismong sisipot sa kaniya naawa ako sa kaniya dahil pinili natin ito. Bakit hindi mo sa akin sinabe?"
"Dahil kung sasabihin ko sayo ay magbabago ang isip mo. Magiiba ang disisyon mo dahil uunahin mo pa ang kalagayan nila kaysa diyan sa mga gusto at dapat mong gawin. Hindi to unfair Winona, ni minsan hindi pumasok sa isip ko na niloko natin siya dahil simula't sapul alam ni Arah na mahal kita. Inilihim ko para hindi mapurnada ang plano ko at gusto kong sabihin sayo na hindi ito pagkakamali. This time isipin mo muna ang sarili mo at kapakanan nang anak mo at halaga ng pamilya na to matagal akong nangulila Winona, matagal akong naghintay at ayokong mapunta ang lahat ng ito sa wala kayo nalang ang natitira sa buhay ko at hindi ko kayang mawala pa'ng muli."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...