Unforgettable Night.
--
"Winonaaa. Lumabas ka dito" nayanig ang buong bahay sa galit ni Tessie. At ganun din ang pagaawat ni Ben pero hindi si Winona ang lumabas kundi si Kian na kinagulat ng kaniyang ina,
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Obvious ba? At nagtatanong pa kayo? Bakit hindi mo tanungin yang kinakasama mo sa kalintikan niya?"
"Alam ko na ang lahat Kian. Makati yan si Winona at siya ang unang nagpakita ng Motibo. Inakit niya si Ben at nang magtagumpay siya ay nag-inarte na akala mo inosente. Wag mong paniwalaam yan sinungaling yan."
Napatakip ako ng tenga sa mga narinig ko. Kusang tumutulo nalang ang luha ko at nakayukom ang palad ko sa galit. Gusto kong sumabat gusto kong ipagtanggol ang sarili ko.
"Nababaliw ka na ba, ganyan ba kataas ang pagmamahal mo sa lalaking yan kahit alam mo na niloloko kana? at ikaw (sabay duro kay Ben) alam mo kung anong kamanyakisan ang nagtataglay sa pagkatao mo. Kung ang nanay kong tanga ay npapaikot mo. Pwes! Ako HINDI. Madami kanang kasalanan ginawa sakin kaya sa pagkakataon na to hindi ko na palalampasin.
"Kian wag mong ganyanin ang tito mo. Mahal ko siya kaya mahalin mo din siya"
"Mahal? Putang*** pagmamahal yan, talagang bulag na kayo at tila wala ng ibang lalaking makikita. Ilan beses kana rin niloko niyan pero ayan ka pa rin paulit-ulit kang nagtitiwala."
"Umayos ka Kian, igalang mo pa din ang tito mo."
"Yang tao na yan kahit kailan hindi magiging kagalang-galang, isang demonyong naninirahan sa ibabaw ng lupa at naghahasik ng kahalayan."
"Kian,"
"Halika na sa taas Tess. Baka hindi ako makapag pigil masaktan ko lang yan anak mo. Napakabastos"
"Anong sabi mo? Tara dito magsuntukan tayo" dahil sa yamot ni Kian ay naunahan niya nang dampian ng kamao si Ben. Nagpang abot sila at walang nagawa si Tess kundi magsisigaw.
Wala din nagawa si Winona kundi tumunganga sa nag-aaway. At nang masigawan siya ni Tessie ay agad siyang tumulong sa pag-aawat.
"Hindi pa yan ang nababagay sayo hayop ka kulang pa yan sa ginawa mo sa Mommy ko, kay Janice lastly kay Winona."
At doon na umalis si Ben na hinabol pa ng kaniyang ina,
"Dapat hindi mo na ginawa yun Kian. Pasensya na kayo dahil sakin nagkagulo pa,"
"Matagal ng magulo, wala ka pa dito" at doon ay iniwanan siya ni Kian.
"Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to. Kung hindi ka dumating dito hindi sana magiging magulo, malandi kang babae ka haliparot.
Sipa, sabunot ang natamo niya sa kamay ni Tessie.
"Nababagay lang sayo yan, dahil sayo iniwan nanaman ako ni Ben. Malandi ka" ilang sampal hataw ulit ang pinakawala ni Tess hanggang sa napagod siya ay napa-upo siya sa sahig.
---
"Hindi ko akalain na ganito ang mangyayare sa buhay ko sa kamay ni Tiya. Yung dati kong buhay na maayos at malayo sa problema ay naging kabaliktaran ng pumayag akong sumama dito.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...