Unforgettable Night.
--
"Busy sa pagbibilang ng mga bulalak na bagong deliver sa flower shop niya. Isa isang sinusuri ang kalidad ng bulaklak at ayos ng mga dahon nito. Mainam din niyang sinusuri ang bawat bulaklak na maingat naman na binababa ng trabahador.
"Ang dami mong ta-trabahuhin, mukang madami kang kliyente ha"
"Medyo! Bukod kasi sa rose, sun flower, Tulip at Orchid ay meron na tayo. Kaya umorder ako ng Gerbera at Carnation, ittry ko kung mapapalago ko. Ako kasi ang flower arranger sa kasal ni Arah."
"Itutuloy mo talaga? Akala ko ba na i-lilipat mo sila sa ibang flowee shop?"
"Hindi na siguro. Ito na lang regalo ko sa kanilang dalawa."
"Magmumukang tanga ka lang sa ginagawa mo Winona. Kahit na pansin naman sayo na nasasaktan kana pinagpapatuloy mo pa din. Tama na awat na hindi na maganda yang pinaplano mo this time isipin mo muna ang sarili mo."
"This is the first and the best way i can do. Sino ba ako para tumutol sa kasal nila? Gagawa pa ako ng eksena? Ganun ba? Anong gusto mo ipaglaban ko siya? At kalabanin sila ganun ba Kian?"
"Kaysa nasasaktan ka ng ganiyan."
"Kaysa makakaapak ako ng tao para sa pansarili kong kagustuhan?"
"Winona mag-isip ka nga. Hindi lang ikaw ang tinangtangalan ng karapatan kundi karapatan din ni Queeny. Hindi ko sina-suggest na manghimasok ka ang sa akin lang ipaalam mo diyan kay Arah na ikaw ang nauna at hindi ikaw ang nanggulo, matagal ng panahon ang nakalipas hndi ko na alam kung anong takbo pa ng utak mo"
"Ayoko muna pag-usapan"
"Oo dahil hindi lang ako ang kakausapin mo kundi ang magulang ni Arah" lumingo siya sa likuran at nakita niya si Alicia na papalapit sa kanila. "Iuwi ko muna si Queeny"
"Mommy Alicia bakit po kayo nadalaw dito? Hindi niyo naman po sinabe para makapag handa po ako ng miryenda"
"Hindi na kailangan, hindi na din ako magpapaligoy ligoy pa. Alam mo naman siguro ang pinupunto ko wag na tayong mag-plastikan Winona at wag kang umasta na parang sino ka na inosente. Itinuring kitang anak sa ilang taong pananatili mo sa bahay, kinupkop kita binihisan kita at hindi na iba ang tingin ko sayo lalo na sa anak mo. Naging magandang kaibigan o kapatid sayo si Arah kahit na walang related na nanalaytay sa dugo niyo. She loves you at pinahahalagahan niya yun. At sa madaling salita ilugar mo ang pang-aagaw sa anak ko. Kapal nalang ng muka kung ipagpapatuloy mo pa ang pakikipag landian kay Privo."
"Magpapaliwanag muna po ako. Matagal na po na walang namamagitan sa amin ni Privo. Hindi ko din ho alam na siya ang Fiance ni Arah maniwala po kayo. Hindi ako maninira ng isang relasyon kung makakasira ako sa kasiyahan ng iba."
"Hindi ba't nasira mo na? Hindi ko akalain na ang taong tinulungan mo at pinamalasakitan mo ay ang ta-traydor sayo patalikod,"
"Nagkakamali po kayo,
"So gusto mo maniwala ako sayo? Anong klase kang ina para ilihim ang lahat ng ito sa amin. You're a disgraceful person, nagsisisi akong nakilala kita."
"Wala akong masamang intensyon, hindi ko alam kung paano idedepende ang sarili ko hindi ko alam kung paani ko sisimulan dahil matagal na panahon na din. Hindi ko kasalanan na kami ang nakaraan ni Privo, hindi ko kasalanan kung dahil sa akin hindi matutuloy ang kasal. Wala akong alam at hindi ko hawak kung anong disisyon ni Privo kaya please wag niyo akong husgahan base sa nakikita niyo lang. Inilihim ko si Privo sa inyo dahil gusto ko munang dumistansya sa lahat ng sakit, sa lahat ng hirap. Wala pa kayo sa naranasan ko at kung ipapamuka niyo sa akin ang lahat ng naitulong niyo tatanggapin ko ng maluwag. Pero huhusgahan niyo ako hindi na ako papayag."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...