CHAPTER EIGHT

463 11 2
                                    

Unforgettable Nights.

--

"Madam Kelly" sabay lapag ng Bouncer ng malaking boquet ng bulaklak.

"Para kanino to?" Kasabay nun ang mga iba pang gamit na nakalagay sa paper bag kasama ng pabango, relo, necklace

"Para daw po kay Nicole. Pinadala yan dito ng driver ni Mr.Chen"

"saan galing yan Kelly?" -kunot na tanong ni Weng.

"Nicole Para sayo" -sakin? Sagot nito mula sa likuran ni Weng.

"Pinabibigay ng Matandang hukluban. Ikaw na yata ang bagong target." -giit ni Kelly sabay alis din niya

"Dumating lang dito lahat inagaw na lalo si Privo- Sabat ni Farra na naiinis sa kaniya -Tignan mo yan Weng, inaagawan ka ng Costumer BBQ stick nanunuhog" kasabay nun ang pagirap sa kaniya nito. Naalarma naman si Winona at napatingin sa Direksyon ni Weng, parang medyo nabanas din at hindi nagsalita habang umiinom ng kape.

"Weng! Wag kang magagalit saakin. Kung gusto mo sayo na itong pinabibigay ni Mr.Chen"

"Naku naku! Winona hindi, hindi ako galit inaalala ko lang na hindi na titigilan ni Mr.Chen lalo na't di na niya nakukuha ang gusto niya sayo. Hindi naman na tinatayuan pa , kumukursunada pa kung alam mo lang gumagamit pa ng bayagra yung hukluban na yun. Imputent na kasi e.. "

Natawa nalang si Winona sa inasal ni Weng,

"Basta wag ka magagalit sa akin ah? Ikaw lang ang kakampi ko dito."

"Oo naman no! Hindi ako masamang tao, hindi kagaya ni Farra matagal na kasi niyang Bet si Privo e, kaya nagselos na sayo hayaan mo mas maganda ka naman sa impaktang yun e HAHAHA"

"Nicole, tawag ka ni Madam Kelly" -Bouncer

iniwanan niya muna saglit si weng at nagpunta sa pwesto ni Kelly

"Kelly? Pinatatawag mo daw ako?

"Magasikaso kana. Ipapahatid kita sa Driver ko."

"Saan ako pupunta?"

"May lunch date daw kayo ni Privo. Babawi daw sya sayo dahil busy siya this past few days."

"Ah!" Yung excited at tuwa ay nananalaytay sa katawan niya. Hindi man siya tumili o kiligin ay halata sa mostra ng kaniyang muka.

"Nga pala Nicole. Umiwas ka kay Mr.Chen! Wag kang bibigay sa mga suhol ng matandang yun."

"Wag kang magalala Kelly, nasaulo ko pa din ang mga pangaral mo"

--

Habang nakasakay ako sa sasakyan ay hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Parang sabik na sabik at miss na miss ko siya dahil sa ilang araw na di niya pagpapakita. Napalapit na din ako kay Privo, may iba na din akong nararamdaman para sa kaniya. Ilang beses ko pang inisip pero naglalaban ang puso at isip ko. Dahil kahit anong gawin ko napamahal na talaga ako sa kaniya.

"Ma"am andito na po tayo'

"Saan ba dito Kuya"

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon