Katotohanan...
--
She was on her bed habang malalim na nagiisip sa mga rebelasyon na natuklasan niya. Ang katotohanan lalo na sa totong pagkatao niya.
Para siyang walang malay pero nakabukas ang mata habang nakatuon lang dalawang mata niya sa kisame. Halos nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kaniyang silid. Idagdag mo pa ang pagiging matagal niya sa ganun pwesto, lalo na't hindi pa umuuwi si Kian.
"Handa na ba ako? Paano kung hindi niya ako matanggap?"
Hays! Halos mag buhol buhol ang iniisip niya. At halatang iritable pa siya.
Ringtone
Doon ay nagising ang diwa niya at dahan dahan inaabot ang cellphone niya sa uluhan. Nakita niya ang pangalan sa screen ang pangalan ni Kian. Humugot siya ng malalim na paghinga bago ito sinagot,"Winona" malumay na sabi ni Kian
"Bakit hindi ka pa umuuwi? Nasan ka ba?"
"May kailangan lang ako asikasuhin. Kaya matatagalan pa ang paguwi ko diyan." Biglang nalungkot si Winona dahil ramdam niya ang pagbabago ng boses ni Kian.
"Ganun ba? Hindi kasi ako sanay na magisa. Isa pa hindi na dumadalaw si Kei.
Doon ay narinig niya ang malalim na paghinga ni Kian.
"Kian?"
"Okay lang ako, wag ka magalala hindi ko ginagawa to para sa sarili ko. Gusto ko maging masaya ka. Nahihirapan ako tuwing nakikita kitang malungkot. mahal kita Winona."
"Kian ano ba ang sinasabe mo?"
"Gusto kita Winona matagal na. Siguro hindi mo lang maramdaman dahil kapatid talaga ang turing mo sa akin. Pero wag kang magalala alam ko naman kung saan ko ilulugar ang sarili ko. Magkapatid tayo at hindi tama ang nararamdaman ko para sayo. Pero kahit ganun pa man masayang masaya ako sa katotohanan tungkol sa buhay mo."
"Kian. Hindi ko akalain na ganyan na pala ang feelings mo. Sorry! im sorry :("
"Ssshhh! No need to sorry! Sabi ko nga sayo ako ang may Mali hindi kita my Little sister."
"SORRY"
"Yan ka nanaman sa sorry. Osya andito na ako tawagan kita mamaya. Maglock ka na diyan,
End call.
Kian Pov.
Nasa loob pa ako ng sasakyan at natatawa ako sa sarili ko dahil nag confess na ako sa sarili kong kapatid. Pero deep inside nalungkot ako dahil kelangan ko iisang tabi ang nararamdaman ko. I am her brother at ang dapat kong gawin ay protektahan siya.
Actually pinagmamasdan ko ang nakabukas na ilaw sa kwarto ni Daddy, tamang tama ang punta ko dahil nasa bahay siya. Kinuha ko ang envelop at tinignan ko ito ng matagal. Dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Daddy.
Dialing Daddy
"Kian? Gabi na napatawag ka?"
"Nasa labas ako ng bahay."
"Oh? Bakit ayaw mo pang pumasok? Bumusina ka para pagbuksan ka ng nasa baba" nakita niya Si Mr.Joaquin na dinungaw siya sa bintana..
"Wag na.
"Wag na?"
"I mean ako na ang magbubukas."
"Okay, pababa na ako. Hindi ka man lang nag Text para napagluto ka mahaba ang binyahe mo."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomansaKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...