Unforgettable Nights
--
"Ilang araw na siyang hindi nagpupunta dito, tila napagod na din kaylan mo ba balak bumalik ito at makita siya? Hindi ko naman din kasi sinabe na buntis ka ayoko naman panguhan ka."
"Mas mabuti nang hindi niya alam Kelly dahil kapag nalaman niya e hindi na niya ako tigilan hanapin. Alam mo mahirap samin dalawa to pero kung ipagpapatuloy ko pa mas lalo lang titindi ang galit saakin ng magulang niya."
"Hindi mo na ba siya mahal?" Matagal ako hindi nakasagot kay Kelly, napapikit ako at naluha nalang ako ng biglang nag sink in sa utak ko lahat ng masasayang araw na kasama ko siya, yung mga araw na nagbigay kulay ulit sa buhay ko. Yung mga yakap at halik na minsan ay namimiss ko din.
"Mahal ko pa din siya Kelly, Mahal na mahal lalo na't binigyan niya ako ng isang anghel. Hindi man niya masisilayan pero pagdating ng panahon ay magkakakilala din sila."
"Basta magiingat ka lagi. Balitaan mo ako kapag nanganak kana"
Kahit malayo na ako sa puder ni Kelly ay wala siyang sawa na kamustahin ako. Hindi din siya pumalya sa balita patungkol kay Privo. Hindi ko tuloy maiwasan na mamiss at isipin siya lalo na't ilang linggo nalang ay isisilang kona ang anak namin. Hindi man niya masasaksihan ang paglabas ng anak niya pero ipinapangako ko na hindi ko naman ipagkakait sa kaniya na makilala siya ni QUEENY
--
3 Y E A R × A G O
"Mommy, mommy"
"Yes Baby ko?"
"Mommy Tito Kian ask me if gusto ko daw magpunta sa Mall. And i said yes! Hehehe pwede ba mommy?"
"Sus! Jusko sino bang hindi papayag sa kaniyang ka-Cute na bata."
"Yehey! Tito Kian nag aprub na si Mommy, i need to change my clothes please wait me in a minute"
Nadako ang tingin ko kay Kian at tila nagmamang-maangan pa ito base sa itsura niya. Madalas niya kasing ayain si Queeny na lumabas at mag Mall ganun na kasi siya napamahal sa bata.
"Ako na ang maglalabas sa anak mo, masyado kang busy sa pag-aarange ng mga bulaklak na yan. Baka sa pagiging busy mo e yumaman kana niyan."
"Mas gusto ko nga yun e. Para naman mabigay ko lahat ang kailangan ni Queeny"
"I am ready," sigaw ni Queeny kaya naputol ang paguusap nila dalawa. "Let's go Tito Kian? Mommy diyan ka muna ha.. papasalubungan ka nalang namin kasi baka malanta agad ang mga Flowers mo"
"Aysus naman. Basta careful ha? Wag makulit kay Tito Kian"
"Yes i am. Bye iloveyou"
Malaki na talaga siya at hindi ko inaasahan kung paano na siya makipag-usap. Tatlong taon na din kasi siya kaya hindi na nakakapagtaka kung matatas na siya magsalita.
Tatlong taon na din ang makalipas ng lisanin ko na ang bahay nila Arah. Napagdisisyunan ko na kasi magsarili na dahil isang taon na na din si Queeny nung namamalagi ako sa kanila. Hindi naman naging iba si Queeny sa kanila at paminsan minsan ay dinadalaw nila ang anak ko dito lalong lalo na ang magina na itinuring ko na ding pamilya.
Ayaw pa sana nila ako paalisin pero nahihiya na din ako sa pamamalagi ko sa kanila na walang binabayaran dahil miski gatas o pangangailangan ng anak ko ay natugunan nila lalong lalo na ang Mommy Jen. Ang sabi nila e sapat ng masaya sila na nakikita si Queeny dahil masyado daw bibo at matalino. Ilan beses na din nila akong tinanong sa Tatay ni Queeny pero hindi ko sila sinasagot dahil ayoko munang problemahin kung paano sasabihin sa anak ko na may Daddy siya.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
Roman d'amourKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...