CHAPTER SIXTEEN

311 4 0
                                    

Unforgettable Nights..

---

"Uh? Iho" bungad ng ina ni Arah.

"Si Arah po?"

"Halika pumasok ka. Kanina ka pa diyan?" Tanong nito sa akin habang nakasunod ako sa kaniya.

"Baaabeee." Dun ay sinalubong ako ng yakap at halik ni Arah, ni hindi man lang niya ininda ang mommy niya sa harapan namin. "Hindi ka naman nagpaabisong pupunta ka. You always suprise me huh? Di tuloy ako nakapag bake ng favorite mong velvet. I missyou" Naging malikot ang mga mata ko at nagbbakasali akong makita ko ang bata o miski siya

"May ipapakilala ako sayo"

"Sino?"

"Basta she's adorable cute." Biglang lumiwanag ang mata ko at naisip ko na baka anak namin ni Winona ang tinutukoy niya.

"Wait, kunin ko lang siya kay Mommy." Hindi ko alam bakit meron kung anong ligaya akong nararamdaman. Para akong excited at hindi makapaghintay na makitang tuluyan ang muka ng anak ko. Kahit minsan ay nag da-doubt ako e mas nanaig pa din sa isip ko na baka nga anak ko talaga siya.

"There she is meet Queeny"

"Hi" bati niya sa akin, parang lukso ng dugo ng makita ko at yung, Yung muka niya hindi nagkakaiba sa itsura ko. Hinawakan ko siya sa kamay at hinawakan ang muka niya para akong nanalo sa lotto at hindi ko alam kung paano itatago ang saya ko. Binuhat ko siya at inilagay ko siya sa lap ko.

"is he my Daddy tita A?" Natawa naman ako at gusto kong sabihin na Oo ako ang Daddy mo.

"No baby! He's my fiance he is Tito P short for Privo"

"Hello po Tito P" tama nga si Arah she's cute and adorable. At hindi siya kamuka ni Winona dahil yung resemblance nang muka niya ay saakin nakuha.

"Arah let's go to mall"

"Hindi pwede Ivo, maya maya andito na si Arah meron lang siyang idedeliver na flowers" naupo akong muli at binuhat ko ulit ang anak ko. I hug her tight while my eyes are closed. Dinadama ko ang bawat taon na wala siya sa tabi ko, yung araw na ako sana ang magpapalit ng diaper niya at ako ang naka-duty magpadede sa kaniya pero lahat yun ay hindi ko nagawa. Kung maibbalik ko lang sana ang lahat siguro masayang-masaya akong kapiling ang bata na to. Tila napawi lahat ng galit ko kay Winona nang makita ay mayakap ko na ang anak ko T.T

"Why ka iyak?" Sabi niya sa akin. Pinunasan niya ang mga luha ko. How lucky i am to have a daugther like her. How i wish i was there beside her now she grown up already.

"Queeny" doon ay nahinto ang lahat ng may bigla tawag sa pangalan niya. Matalim ang tingin niya sa akin. Kinarga niya agad si Queeny,

"Win. Halika muna kumain ka"

"Busog na ako, mauna na ako"

"Bakit tila nagmamadali ka? Kumain ka muna"

"Hindi na. Mauuna na ko madaming client naghihintay sakin" umalis siya at takang-taka ang muka ni Arah. Wala akong masabi kitang kita ko yung galit at takot sa mga mata niya.

"Ano kayang nangyayare dun ang moody, pangalawang beses na to may problema kaya siya" sabi niya habang pabagsak umupo sa tabi ko.

"Ilan taon na si Queeny?"

"3yr old."

"Bakita ba sila umalis dito?"

"Diba nakwento ko na sayo yan before?"

"I'm just asking. Curious lang ako ngayon ko pa lang kasi siya nakita e.

"Eh! Nahihiya na daw siya kasi nga kami na lahat sumagot sa gastusin niya. Miski kay Queeny! Tska pinili niya din ang pag-fo-flower shop at mag sarili para naman daw maka-ipon siya at matutukan si Queeny. Sa madaling salita hinayaan namin siyang umalis kasi ayun naman ang gusto niya e kaya ngayon doon sila namamalagi sa pampangga nag aapartment silang mag-ina.

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon