Unforgettable Nights..
--
Naging magaan naman ang unang gabi ni Winona. Inaalalayan din siya ni Darren kung saan itinuturo sa kaniya ang iba't ibang alak na bet ng mga Costumer,
"Etong, Rum at Jack minsan trip ng ibang guest na sinamahan ng Coke yan. Iba iba kasi ang style nila pagdating sa drinks. At eto naman Gin Tonic - a classic standards na wala din pinagkaiba sa Tom Collins. Tsaka number one requested itong GodFather at Rustynail at Stinger sa mga edad 50's at 60's Yung iba diyan e mayayaman malaki magbigay ng Tip lalo na kung maganda ang Server nila sa VIP room. Lalo na yang si Mr.Chen ang loyal costumer dito. (Sabay turo kay Winona sa Lalaking nakadekwatro at kapag ngumiti ay kikinang dahil sa Gold na mga ngipin nito)
"Nakakatakot naman" Bulong ko habang pinagmamasdan ko si Mr.chen.
"Nakakatakot talaga! Pero wag kang magalala andito ko hindi kita pababayaan" -pangaalaska nito kay Winona
"At itong whiskey, whiskey Smash Flaming Dr. Pepper at Boiler Maker mga Bombshot kung tawagin. Mdaming costumer na gustong gusto yan. "
"Aah!" Ayan na lamang ang Sagot ko habang pinagmamasdan ang ibang alak. Masyado kasing madami at mukang mamahalin dahil sa desenyo ng mga bote
"Oh. Amuyin mo tong Whiskey"
"Grabe ang tapang" nanapak.
"At nga pala Nicole. May mga Ladies Drink din tayo, kung may mga matatanda asahan mo din na meron 50 to 60's na cougar mom na madalas dito nagpapalipas ng Oras. Meron din mga magagandang babae na tumatarget din ng mga Kano o tanders dito."
"Meron tayong, Sangria (Red and white Wine), Gin, Vodka, Rum, lemon juice, long island Tea, Blue, Hawaiian, Margarita at best seller namin dito ay Cosmpolitan,mojito at piñacolada. Kadalasan umiinom niyan e mga babaeng madalas gumigimik."
"Grabe mga pangalan pa lang e kakaiba na. Avelino palang unang alak na natikman ko. Hindi naman kasi ganun ka wild ang buhay ko, wala akong experience. Kaya nga naninibago ako sa trabaho na to, pero okay na din siguro to para malayo ako sa akala kong pamilya ko"
"Kalimutan mo na sila. Pagmasdan mo ang mga tao dito mukang mga walang problema. Dito kasi pantay pantay ang tingin nila sa isa't isa. Dahil isa mga itong Night Club. May iba't ibang mga habol lang e pera. Yung iba boys hunting, pero strict naman ang lugr na to at walang halong kahalayan. Depende nalang kung babayaran ng Guest ang araw mo kay Madam. Malako magiging porsyento, tignan mo nalang si Weng"
Nadako ang mga mata ko kay Weng. Napakunot din ang noo ko dahil sa pwesto nila. "Mukang nabigla ka"
"Hindi nanibago lang" bago iyon ay nagpaalam muna ako kay Darren na magCcr muna ako.
Napahugas ako ng kamay at napatitig ako sa salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko dahil baka ilang buwan din ay maihalintulad na ako kay Weng. Na nahihipuan at mukang sanay na siya sa ganung galawan. Nakaramdam din ako ng takot dahil hindi ko alam kung paano diskartehan ang ganun. Lalo na't dadating din ako sa ganun sitwasyon.
Kinabukasan
"Ang ganda mo ngayon"
"Sus Bolero"
"Ah! Nicole, pwede ba ikaw muna magdala nito sa VIP room 3 wala kasi si Weng, tska yung iba busy dahil friday ngayon mas madaming nag hahangout"
"Okay lang, nga pala nasan si Weng?" Magsasalita pa lamang siya ay agad ko nang pinutol dahil alam ko na din."
Habang tulak-tulak ko ang cart papunta sa Vip 3 ay pinagpapawisan ako ng malamig, pero nanatili pa din akong kalmado. Kumatok ako at narinig ako ang ingay sa loob, rinig ko din ang paghiyaw ng ilang kalalakihan. Hindi ko na yun ininda dahil anong dahilan ng pagpapaka-pabebe ko eh isa na lamang ako Waitress sa Club na to."
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomansaKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...