CHAPTER TWELVE

311 6 0
                                    

Unforgettable Nights..

--

"Kamusta kana? Sabi nang taga-luto hindi ka daw kumakain?"

"Naguguluhan ako Kelly, gusto ko munang makipaghiwalay kay Privo pero anong gagawin ko mahal ko siya, kung bakit kasi malaking diskriminasyon ang pagiging mahirap"

"Wag mong sisihin ang kinagisnan mo, ang importante maayos ka kung nasan ka. Kung mahal mo naman siya ipaglaban mo at kung alam mong kaya ka din niya ipaglaban."

"Paano :("

"Ikaw lang makakasagot niyan, osya! Aalis muna ako at mukang may kailangan pa kayong pagusapan" napakunot ang noo ko at nagmostra ang nguso ni Kelly na may tinuturo at doon ko nakita si Privo na may hawak na boquet at iilang chocolates. "Maiwan kona kayo diyan"

"I miss you" sabay lapag niya ng dala dala niya at tska ako tinabihan at sabay niyakap. Ito nanaman ang mga luha kong kusang kumakawala mahal na mahal ko talaga siya.

"okay kana ba? Wag ka masyadong magisip Nicole hanggat andito ako sa tabi mo papanindigan kita. Hindi naman ako papayagan na hahadlangan nila ang pagmamahalan natin dalawa."

"Ikakasal kana. Mali to, mali to."

"Tama itong gagawin natin dahil nagmamahal tayo sa isa't isa. Tayo talaga ang nararapat in fact hindi pa ako nag ye-yes sa proposal ni Daddy it's about business at may karapatan akong tumanggi kung para sayo, (sabay buntong hininga at hawak ng kamay ko) Ba-basta ipangako mo na magiging matatag ka TAYO"

"Kailan pa naging tama ang mali Privo? Ayokong isugal ang sarili ko ilan beses na din akong naloko. Kaya kung mamarapatin mo sana hayaan mo muna akong makapag-isip-isip"

"Pero mahal kita maniwala ka naman please? Dahil mababaliw nako Please Nicole."

"Sana igalang mo kung anong disisyon ko Privo T_T ayusin mo muna ang lahat bago natin ipagpatuloy to."

"Please? T__T

"Umalis kana Privo."

"Hanggang kailan? Hanggang kailan ka magdidisisyon?"

"Kapag naayos mo na ang lahat ng gusot. Umalis kana at gusto ko munang mapag-isa" doon ay nagtalukbong na ako ng kumot. Ramdam ko pa din ang presensya niya at ramdam ko ang pagiyak niya.

"Papatunayan ko sayo lahat. Basta hintayin mo lang ako lagi kang magiingat mahal na mahal kita"

Sabay himas niya sa likuran ko na talagang nagpaiyak sa akin at doon na siya tumayo at nilisan ang kwarto. Gustuhin ko man o hindi ito lang ang nakikita kong paraan para maging maayos ang lahat. Wala akong laban sa pamilya ni Privo lalong lalo na sa ina niya kaya nila akong ipitin dahil mapepera sila. Gusto ko man ipaglaban, gusto kong ipagpatuloy pero paano? Paano? mahal ko siya, Mahal na mahal kaya kahit masakit kailangan kong bitawan, kahit anong sakit kailangan kong tiisin. Buo na ang disisyon ko at kailangan ko ito para makalimot at makapag simula ng bago.

--

KINABUKASAN

"WINONA tama ba ang magiging disisyon mo? Paano kayo? Paano siya?"

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon