Unforgettable Nights.
--
Bandang alas otso nang dumating si Privo sa tagpuan nila. Naka-sombrelo itong itim kahit na ang jacket nito. Mabilis niyang pinuntahan ang mag-ina niya upang tulungan sa pagbuhat ng mga gamit nila dahil nakatulog ang bata sa paghihintay sa kaniya. Maingat at mabilis ang mga kilos nila lalo na't hindi alintana kay privo ang pag-aalala na baka pasundan siya ng kaniyang ama.
"May pinagsabihan ka ba kung saan ka pupunta?"
"Meron si Kian, pero hindi ko sinabe sa kaniya kung saan tayo pupunta. Saan nga ba tayo pupunta privo?"
"Pinag-iisipan ko pa, balak ko muna sanang umukupa ng hotel para makapag pahinga ng maayos ang anak ko. Pero malayo mula dito." Tinignan niya ang mag-ina niya at binigya niya ito ng malapad na ngiti. Hinawakan niya ang kamay ni Winona at hinalikan pa ito.
Mas lumalim pa ang gabi ng makapag- check in sila sa hotel. Nagpabooked na siya ng isang kwarto at mabilis niyang ibinigay kay Winona ang card.
"Mauna kana, susunod ako kukunin ko lang ang ibang gamit at bibili na din ako ng makakain natin. I called you kapag malapit na ko."
Mabilis nilang iniwan ang isa't isa. agad din minaneobra ni Privo ang kotse niya para makahanap ng stall para makabili ng pagkain. Na-stop siya sa isang convinient store (7/11) kumuha siya ng mga pagkain pambata at iilang bottled mineral at ready to eat. Maya maya pa habang nagbabayad siya ay bigla niyang nakita ang isa sa mga body guards ng kaniyang ama na pumasok sa loob ng store. Inaayos niya ang hoody ng jacket at nang makarating siya sa cashier ay hindi na niya kinuha pa ang sukli at mabilis na umalis at unistart ang kotse. Kabado at hindi mapalagay si Privo lalo na't nasundan pala siya.
"Fucked!" Bulalas niya habang sinisilip sa side mirror ang kotse nakasunod sa kaniya, mabilis niyang ni-left turn ang kotse dahil balak niyang iligaw ang taong sumusunod sa kaniya.
"Kei, where are you?
"Nasa bahay na ako why?"
"I'm in trouble. Nagda-drive ako at may paparazzi na sumusunod sa akin."
"Jusko Ivo tinuloy mo?"
"Wala akong ibang option Kei, bago ka magalit diyan tulungan mo muna ako. Hindi ko na alam saan pa ako magpapasikot-sikot.
"Okay fine. Text me kung saan kita ipi-picked up"
"Okay Thanks!"
Nang hindi ko na siya masipat sa likuran ko ay nag u-turn na ako agad para pumasok sa parking Area ng stall kung saan ako bumili. Kinuha ko lahat ng pinamili ko at lahat ng gamit namin at sinuguradong locked up ang lahat ng sasakyan. Gumilid ako sa medyo madilim na pwesto. Iginala at naging mapag-masid din siya sa mga sasakyan na dadaanan at sa hindi niya inaasahan ay hindi na isa o dalawa ang nakita niyang body guard ng kaniyang ama. Nakita niyang sinisipat ang kotse nito at naghiwa-hiwalay sila para mahanap agad siya. Sa sobrang kabado niya ay mabilis niyang nilisan ang madilim na lugar habang bit-bit ang mga gamit nila. Takbo, habang palinga-lingang binabaybay ang daan.
"Ivo" tawag ng isang babae.
"Gotcha!"
"Buti hindi nila agad nakita. Nakakaloka ka Ivo talagang itataya mo ang buhay mo makasama lang ang pamilya mo"
"Wag muna natin pag-usapab yan. Ibaba mo ako sa diamond hotel naghihintay sa akin ang mag-ina ko. Alam ko nagaalala na siya dahil ilang oras din ako nawala."
Nang makarating sila agad ay mabilis na bumaba si Privo kahit na hindi pa naipa-park ng maayos,
"Ivooo" sigaw nalang ni Kei.
BINABASA MO ANG
Unforgettable Nights (SPG)
RomanceKung saan naakit ang mga makasalanang mata na pumipyesta sa katawan ko. Dignidad na nawawala sa tuwing nahihipuan ako. Mga luhang kumakawala kapag nararamdaman kong nababastos na ako. Dangal na unti-unting sumisira sa pagkatao ko. At prinsipyo na ma...