CHAPTER SEVENTEEN

310 4 0
                                    

Unforgettable Nights.

--

Bandang alas tres na din ng madaling araw ay nanatili pa din ako sa kwarto. Tila kahit naiihi o nauuhaw ako ay ayaw humakbang ng mga paa ko parang may pumipigil at natatakot ako na baka magising si Queeny na andito siya.

Tumayo ako sa likod ng pinto at pinakiramdaman ko muna siya. Sa totoo lang para akong sinabuyan ng malamig na tubig dahil kahit malamig naman e pinagpapawisan ang kili-kili ko ganto talaga siguro kapag na te-tense. Maya-maya pa ay narinig ko ang pag ubo niya, sunod sunod iyon kaya kahit papaano ay naalarma ako. Kaya binuksan ko bahagya ang pinto at dinungaw kung san siya naka pwesto. Inilabas ko bahagya ang katawan ko at nakita kong binalot niya ang sarili niya ng twalya. Hindi na din ako mapakali kaya tuluyan na akong lumabas.

"Okay ka lang ba?" Iniangat niya ang ulo niya na parang pagod na pagod at dahan-dahan siya tumango. Hindi ako nakuntento kaya tinanong ko pa siya tila kasi nilalamig siya at mukang may kakaiba sa kaniya.

"Gusto mo ba mag-kape muna?"

"Nilalamig ako" pagsabi niya ay napaharap ako at mabilis kong hinipo ang ulo niya. "Nilalagnat ka"

"Pwede mo ba ko pahiramin ng jacket?"

"Teka, teka wag kang tatayo teka. Jusko! Bakit ka ba kasi sumugod sa ulan. Teka lang." Usad ko at natataranta na talaga ko.

Kinuhaan ko siya ng Jacket at tshirt na alam kong maluwag sa akin. Inaabot ko ito sa kaniya at kinuha niya din tinanggal niya ang twalya at bumungad sa akin ang katawan niya. Naginit ang pisngi ko kaya't napatalikod ako ng wala sa oras. "Kukuha lang ako ng gamot" doon ay lumakad na ako papunta sa kusina at doon ako napahawak sa puso ko.

"Oh. Inumin mo muna to. Nagluto na din ako ng Noodles para mainitan ka. " pagkatapos nun ay inilagay ko ang planggana na may twalya at sinimulan ko tong ipiga at ilagay sa noo niya.

"Nilalamig ako" doon ay mas naging alerto ko kaya minabuti kong kuhaan siya ng comforter at inikumot ko sa kaniya. Naramdaman ko din basa ang pants niya ito siguro ang dahilan kaya nilalamig pa din siya. Hindi nadin ako nagpatumpik pa kundi kumuha ako ng pajama na alam kong kakasya sa kaniya.

"Privo, magpalit ka muna basang-basa kasi yung pants mo" pero umungot ito at tila hindi kayang tumayo. Napabuga ako sa hangin at palitan kong tinignan ang pajama'ng hawak ko at pants niya. "Jusko! Mapapasubok pa yata ako dito ah. Papalitan ko siya? As in ako?" Pakikipagtalo ko sa isip ko.

"(Ubo) Nilalamig ako" gusto pa yata nitong yakapin ko siya naka-comforter na nga. Tsk. Hindi na ako nagalinlangan pa kundi inun-botton ko yung pants niya habang nakapikit ako. Naihubad ko paunti pero agad din niyang inawat ang kamay ko,

"Ako na" doon ay nakahinga ako ng maluwag sabay abot ko sa kaniya ng pajama.

"Ah, eh. Kunin ko muna yung no-noodles" Jusko ano ba tong ginagawa ko. Napasapo ako sa ulo ko at bumuntong hinga muna ako bago lumabas.

"Oh. Kumain ka muna" sa pagkakataon na to ay nakaupo na siya at naihubad niya na ang pants niya at suot-suot na niya ang pajama ko. Napalunok ako ng wala sa oras.

"Ilagay mo muna to sa ulo mo." ilalagay ko pa lang sana ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi ko mabasa ang mukha niya dahil mariin pa din siyang nakapikit. Pilit ko itinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero mabilis niya akong nahatak at napaupo ako sa lap niya. Halos maglalabasan na ang mga daga sa puso ko halos luluwa na ang mata ko sa gulat.

"A-a-n-o-ng g-gi-na-g-gwa mo?" Kahit hindi niya nakikita ay namumula na ang pisngi ko lalo na't ramdam na ramdam ko ang Manoy niya. naiilang ako kaya tatayo sana ako ng pigilin niya.

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon