CHAPTER TWENTY SEVEN

211 0 0
                                    

Unforgettable Nights.

(Play the media. Background music)

Winona

Pwede nang ilabas si Winona. Pinaghandaan iyon ng dalawa dahil tiyak na madami siyang itatanong lalong lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Miski si Kian at hinanapan ng maganda at maayos na Columbarium ang abo ni Queeny.

"Kumalma ka, dapat niya talagang malaman."

"Alam ko, nagiisip lang ako alam ko masasaktan siya. Hindi lang doble,triple na sakit. Kung pwede ko lang akuin lahat gagawin ko maibsan lang lahat ng nararamdaman niya,

"Oh. Umayos ka na. Andito na tayo"

Masayang ngiti ang binungad ni Winona sa kanila habang nakasakay siya sa Wheelchair na tulak tulak ng isang Nurse. Halos todo ang pasasalamat nito sa mga Nurse at Doctor dahil sa pagsalba ng buhay niya.

"Kian, Kei kaway nito sa hallway ng hospital"

"Kian I missyou"

"I missyou too."

"Oh ayan Kei pwede na daw akong ilabas sabi ni Doc. Ilang balik nalang ang gagawin ko dito para makarecover ako ng mas mabilis,"

"Get well soon as possible Winona. Miracle talaga ang nangyare sayo. Tignan mo nga ang ayos na ng itsura mo unlike before at ang goodnews nagising ka na walang diperensya."

"Oo nga po Doc. Kaya bukas na paglabas ko ay masisilayan ko na ang siyudad. At higit sa lahat makikita ko na si Queeny.

Natahimik ang Doctor at mabilis na nagpaalam.

KINABUKASAN

"Winona" tawag ni kei habang may dala-dala itong damit na nakalagay sa paper bag. "Oh! Magbihis ka muna, gusto mo tulungan kita? Oh magpapatawag pa ako ng Nurse?"

"Sus... Okay na ako Kei lumakas na ako at makakaya ko na din magkalakad at tumayo magisa ng walang alalay. Ako na magbibihis kaya ko naman. Tapusin ko lang itong pagsusuklay ko. Nga pala si Queeny? Bawal ba siya pumasok dito? Sabagay kasi hindi naman ito child hospital"

"Umh" pawis na lamang ang lumabas ng katawan niya sa sobrang kabado kung paano sasagutin ang bawat tanong ni Winona.

Ilang saglit pa ay nakapagbihis na din si Winona. Nakasuot siya ng pink long sleeve dress.

"Medyo mahilom na din pala ang tahi ko."

"Oo, naghilom na yan dahil ilang buwan na din ang nakalipas. Minsan ako naglilinis ng tahi mo..

"Alam mo hindi ko ramdam yun. Para nga akong natulog lang"

"Winona,

"Umh Doc"

"Wag mong kalimutan ang mga bawal sayo ha. Yung iilang gamot mo din. Higit sa lahat bawal ka mapagod at kung kaya mo naman tumayo habanb umaagapay may makakabuti. Next followed check up mo ay next 2 weeks.."

"Okay po Doc. Maraming salamat po, Kei pwede ba kita makausap sa labas?" Nagsalitan ng tingin si Kei sa dalawa kaya ngumiti si winona at parang snasabi na sige na!

"Kailangan niyang malaman na wala na ang anak niya.

"Actually balak na din naman namin sabihin ni Kian. Humahanap pa kami ng tyempo."

"Hay! I feel guilty na hindi ko naisalba ang buhay ng anak niya. Hindi ko tuloy maiwassan ang hindi malungkot.

"Everything happens for a reason. Doc"

"Osya.. magiingat kayo ha! Nagsama din ako ng ilang pain killers kung sakaling maramdaman niya ang sakit..

Isinakay na siya sa loob ng sasakyan at parehas ang dalawa ay walang ka-imik- imik. Hanggang sa nasa loob na sila ng sasakyan ay walang gustong bumasag ng katahimikan maliban kay Winona.

Unforgettable Nights (SPG) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon