Dear Sofia,
Kumusta? Sorry ha, ang baduy ng letter, sa sobrang baduy gumawa ako. Achievement na ba 'yon? Uhm... bakit nga ba 'ko sumulat? Dahil ba gwapo ako? o dahil patay na patay ka sa'kin? Hindi, biro lang. Sumulat ako kasi gusto kong magpasalamat sa'yo, dahil dumating ka sa buhay ko. Hindi man ganoon kaganda ang una nating pagkikita, at least nagkita tayo 'di ba? Unang kita ko pa lang kasi sa'yo, naramdaman ko na kaagad na mahal kita, corny no? Hayaan mo na mamahalin mo rin naman ako. HAHAHA, biro lang. Para sa'kin memorable ang unang beses nating pagkikita. Alam ko naman na kasumpa-sumpa para sa'yo ang araw na iyon pero para sa'kin kasi, langit ang araw na iyon, Sofia. Ang araw na una tayong nagkita...
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)