"Class, alam kong alam niyo na ang magandang balita"
Lahat kami ay diretsong nakatingin sa adviser namin. Ano naman kayang magandang balita ang sinasabi nito?
Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaibigan ko. Malaki ang ngiti ni Nico gano'n rin si Ivan at nakikipaghuntahan naman si Michael, si Jin naman ay mukhang malalim ang iniisip.
Ako lang ba ang walang alam sa barkada? Or let say, sa buong klase.
Halos matumba na nga ang katabi ko sa sobrang excitement.
"Brad, anong sinasabi ni Ma'am na magandang balita?"
"Ah, malapit na kasi ang Senior Prom, absent ka kasi kahapon ng hapon kaya hindi mo alam"
"Senior Prom? "Pag uulit ko.
"Oo, sa 25 gaganapin ang event pagkatapos ng Valentines"
Febuary 16 ginaganap ang Valentines sa school namin, after no'n ay maghahanda naman ang mga
Senior para sa Prom.
Sino kaya ang date ni Sofia sa Prom night?
Naisip ko na wala naman siyang ibang kaibigan na pwedeng ayain.
Kung meron man akong gustong maka-date sa gabing iyon ay si Sofia 'yon. The only thing that I need to do is to ask her.
Pero kailangan ko munang paghandaan ang Valentines bago ko siya ayaing maging date ko. Ang panget naman kasi kung bigla ko nalang siyang aayain.
After dismissal ay minabuti ko munang puntahan si Sofia. Sakto naman dahil mukhang hinihintay niya rin ako.
"Kanina pa kita hinihintay"
See.
"Pasensya naman po. Ang gwapo minsan, nala-late din"
"kapal mo ha, tayo na nga"
Nauna siyang naglakad kaya't sinundan ko siya. Kumain muna kami sa labas bago tuluyang umuwi.
Umorder kami ng pagkain, mabuti nalang at mabilis mag-serve ang mga server dito. Anong oras narin kasi, baka hinahanap na siya sa kanila.
"Aattend ka ba ng Prom?" Napahinto ako sa pagkain.
Bakit niya in-open ang topic na 'yon? Pinaghahandaan ko pa nga lang ang Valentines para maging date ko siya, tapos Prom na agad ang nasa isip niya.
"Ah, siguro. Ikaw?"
"Um...hindi ko nga alam e" naging malungkot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Bakit hindi mo alam?"
"Hua, alam mo ba, nakita ko siya kanina at mukhang problemado siya"
Change topic. Ang tinutukoy niya ay 'yung 'crush' niya na konti nalang ay babasagin ko na ang mukha.
"Baka naman problemado siya sa mukha niya" komento ko.
"Hua naman e. Ang gusto ko lang naman ay tulungan siya sa problema niya"
"Listen. His problem is not yours, there's no point of knowing the business of others even though your intention is good. I don't want to offend you Sofia, but that's not right"
"Haven't you fall inlove? Hindi mo man lang ba naranasang maging curious sa iniisip ng taong gusto mo, o kung may problema ba siya? "
Hindi ko siya sinagot, I looked away.
Lumipas ang ilang minuto at akala ko ay tapos na kami sa topic na 'yon pero hindi pa pala.
"Aattend kaya siya ng Prom? Sana oo"
"Sana hindi"
"Bakit ba ang kontra mo?" halatang napipikon na siya dahil masama na ngayon ang mga titig niya.
"Bakit kasi hindi mo siya ipakilala?" paghahamon ko sa kanya. Ang masama niyang aura ay napalitan ng mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi at ang kanyang nga mata ay nagsimulang pumungay.
"Makikilala mo rin siya " sabay kindat pa niya sakin.
I don't want to meet him, but if you insist...I swear, I'll kill him.
Kapag nakilala ko siya, ICU agad ang bagsak niya.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)