SOFIA'S POV
"LOVE JOSHUA"
Matapos kong matanggap ang letter at rose na ipinaabot ni Hua kay Mama ay kaagad ko itong binasa.
Hindi ko napigilang maiyak dahil napaka-manhid ko para hindi maramdaman 'yung pagmamahal niya. Naiinis ako sa sarili ko.
Kaya pala lagi siyang nandyan para sa'kin.
Kaya pala siya tutol kay Jin.
Kaya pala ayaw niyang makitang malungkot ako.
Kaya pala kahit anong taboy ko sa kanya noon ay hindi siya umaalis.
Kaya pala...
Kaya pala kasi...
Kasi mahal niya 'ko
Mahal niya talaga 'ko
Buong buhay ko ay hindi ko magawang pagkatiwalaan ang sarili ko sa mga desisyon na ginagawa ko pero iba ngayon. Nitong mga nakakaraang araw ay may isang bagay akong napagtanto...at sigurado ako ngayon.
Hindi pa naman huli ang lahat 'di ba?
Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan ang number ni Jin. Hindi ko alam pero umaasa akong maiintindihan ni Jin ang lahat. Maiintindihan niya ako.
Hindi ko naman pinaglaruan ang feelings niya, minahal ko siya, minahal ko siya ng maraming taon, simula noong maging classmate ko siya sa unang baitang ng elementarya. Doon pa lang ay alam ko nang mahal ko si Jin, alam ko na kung sino ang gusto kong makasama sa pagtanda ko. Pero akala ko lang pala iyon.
"Hello Sofia, miss mo na ba 'ko 'agad?" Bungad nito sa akin sa kabilang linya.
"Jin, pwede ba tayong magkita?"
"Kanina lang tayo nagkita ha?"
"Please, Jin"
"Ah, sige. Saan?"
"Kahit saan, I-text mo na lang sa'kin kung nasaan ka"
"Okay, take ca-"
Hindi ko na siya pinatapos pa. Ayokong patagalin at paasahin pa siya. Ayokong saktan si Jin pero pakiramdam ko ito ang tama, ang magpakatotoo.
Alam ko kung sino talaga ang gusto ko. Alam na alam ko.
Gusto ko na si Joshua, hindi, mali dahil mahal ko siya.
Simula nang araw na hindi siya nagparamdam. Simula no'ng araw na 'yon at sa mga araw na nagdaan na wala siya sa tabi ko, naramdaman kong parang may kulang, parang may hinahanap- hanap ako, parang hindi kumpleto ang araw ko kapag walang Joshua'ng nagpapakita.
Noong una, inisip ko na nanibago lang ako dahil palagi kong kasama si Jin, na dapat masaya 'ko at sa wakas 'yung dating sa malayo ko lang nakikita ay abot kamay ko na ngayon.
Pero iba pa rin talaga.
Kasama ko si Jin pero ibang tao ang nasa isip ko.
Noong nagsayaw kami ni Jin, noong gabi ng prom, 'yung gabing pinaghandaan ko dahil si Jin ang Date ko...may iba rin akong naramdaman.
Noong gabing din iyon ay isinayaw ako ni Hua. Noong gabing iyon ay iba ang naramdaman ko, komportable ako at ligtas sa bisig niya.
Alam kong nasaktan ko si Hua at alam kong masasaktan ko si Jin pero ayokong isang araw ay pagsisihan ko ang isang bagay na hindi ko man lang sinubukan.
Sinubukang harapin ang lahat...
Ang magpakatotoo at harapin ang katotohanan...katotohanan na si Joshua ang mahal ko.
Ayokong mauwi ang lahat sa isang ala-ala, isang magandang ala-ala na kahit kailan ay mananatili na lang isang ala-ala.
...
Pinuntahan ko si Jin sa isang restaurant na lagi naming kinakainan ni Hua. Umorder muna ko ng juice dahil hindi naman ako nagugutom.
"Sofia, kanina ka pa ba? Pasensya na kung pinaghintay kita, nag-CR kasi ako saglit"
"Okay lang, kararating ko lang din"
"Anong gusto mo? O-order na 'ko"
"Kahit ano, ikaw nang bahala"
Noong makayari na kaming kumain ay diretso ko siyang tinitigan. Dahil doon ay napakunot ang kanyang noo.
Nag-aalalang tinitigan ako ni Jin sa mata. Alam kong nagtataka siya sa mga kilos ko.
I'm sorry Jin.
Ayoko nang patagalin 'to pero hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. Ayokong saktan si Jin.
"May problema ba?" tanong niya
Hindi ko na napigilan ang pag-iyak. Lumandas ang maiinit na likido sa magkabilang pisngi ko. Sumisikip ang dibdib ko, para bang may nakabara sa lalamunan ko
Hinawakan ni Jin ang kamay ko.
"Sofia, what's wrong? "
"I'm sorry, Jin"
"Bakit ka nagso-sorry?"
"Ayokong saktan ka, I'm sorry Jin. I'm sorry pero ayokong patagalin pa 'to. Ayokong saktan ka" Pa-ulit ulit kong sabi.
"Hey calm down. Hindi mo na ba 'ko gusto?"
Hindi ako kaagad nakasagot.
Ano ang dapat kong gawin para hindi masaktan ang taong ito na ang tangi lamang gusto ay mahalin ako at mahalin pabalik?
"I'm...I'm sorry Jin, maniwala ka minahal kita pero mahal ko siya, Jin"
"Sino?"
Diretso siyang nakatingin sa mga mata ko, naghihintay ng isasagot ngunit wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko. Panay lamang ang hikbi at pagpatak ng mga luha ko. Hindi ako makapagsalita.
"Si Joshua" Siya ang sumagot sa kanyang tanong.
Wala na akong nagawa kung hindi takpan ng mga palad ko ang aking mukha. Nakita ko kung gaano nasaktan si Jin sa naging desisyon ko.
I'm sorry Jin.
Ilang minuto pa ang nagdaan, naramdaman ko na lang ang isang mainit na yakap galing kay Jin
"Tama na...It's okay, alam ko"
Para akong nabuhayan ako ng loob at nabunutan ng tinik sa dibdib noong sabihin niya iyon.
Niyakap ko si Jin nang mahigpit, sobrang higpit. Hindi ko mapaliwanag ang tuwang bumabalot sa katauhan ko ngayon.
"It hurts me so much hearing those words, especially the silent part. Ang selfish ko kung ipipilit ko ang sarili ko sa taong ayaw na sa'kin"
"I'm really sorry, Jin"
"Please stop saying sorry, I understand, Sofia. Mas masasaktan ako kung hihingi ka ng patawad"
"Jin..." Ang hirap saktan ng tao kapag ganito.
Ngumiti siya bago muling magsalita. "Puntahan mo na siya"
Sa puntong iyon ay alam kong pinalaya na niya 'ko. Ngumiti ako sa kanya pabalik.
"Thank you Jin...Salamat"
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)