MONTHS LATER
Suot ko ang kwintas na ibinigay ni Hua. Paulit-ulit ko itong hinahawakan sa tuwing naaalala ko siya.
Ilang buwan na rin ang nakalipas at pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat.
Naayos na nila Tita ang kaso ni Hua, lumabas dito na paghihigati ang pakay ng mga taong gumawa sa kanya nito. Nalaman din namin na pinagtulungan siya ng doseng katao, master-mind ang anak ng Mayor na si John Lucas Villa.
Ang masakit lang sa parte ng mga taong nagmamahal kay Hua, ay hindi namin lubos nakuha ang hustisya. Tinangkang bayaran ng mga Villa ang kaso ng anak nila mabuti na lamang at tinulungan kami ni Mr. Segovia, ang isa sa pinakamahusay na abugado sa bansa. Napag-alaman na si Lucas ay hindi na minor de edad at lulon pa ito sa droga, kaya't sa huli ay nakuha rin namin ang hustisya sa mga Villa. Nakakalungkot lang dahil ang ibang kasama nito ay minor de edad pa at ang iba ay nagtatago pa rin hanggang ngayon. Pero kahit na gano'n ay hindi kami titigil hangga't hindi namin nakakamit ang buong hustisya, iyan din ang pangako sa akin ni tita Verna.
"Anak, naka impake kana ba?" Tanong ni Mama pagpasok niya sa kwarto ko.
"Susunod na lang po ako sa airport, may pupuntahan pa po kasi ako"
Saglit niya akong tinitigan bago magsalita "O sige, magpahatid ka na lang kay manong"
Tumango ako at isinara ni Mama ang pinto.
...
Ilang buwan na ang nakalipas pero nandito ka pa rin sa puso ko, Hua.
Hinawi ko ang mga alikabok at dumi na nakapalibot sa kanyang lapida. Ibinaba ko doon ang bulaklak na dala ko.
Umupo ako at niyakap ko ang mga binti ko. Hindi ko maiwasang hindi maiyak habang binabalikan ko ang lahat ng pangyayari, simula sa mga alaalang kasama ko pa siya...hanggang sa huli ng kanyang hininga.
"Hua, 'di ba sabi mo nandito ka lang sa tabi ko kahit anong mangyari? "
Umihip ang hangin, napangiti ako dahil alam kong si Hua ang nagparamdam.
"Sabi mo hindi mo 'ko literal na kakalimutan, pero physical mo naman akong iniwan..."
"Sumulat ka para ipaalam kung gaano mo ako kamahal,pero hindi ko alam...Hindi ko alam na, sumulat ka lang pala para magpaalam..."
"Ikaw Hua, paano kita kakalimutan?"
Ang sakit sakit pa rin.
"Paano ako sa sinasabi mong bukas at sa mga susunod pa?"
Paano, Hua?
"Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon na ipadama sa'yo kung gaano kita kamahal..."
"Hua, naririnig mo ba 'ko? Mag paramdam ka naman o"
Kasunod noon ay naramdaman ko ang kakaibang hangin sa paligid ko, isang masarap na hangin na bumabalot sa katawan ko, parang isang yakap na nagmumula kay Hua.
Nagparamdam siya.
"Mahal na mahal kita, Hua"
"Mahal na mahal ka rin niya"
Lumingon ako kung saan nagmula ang isang pamilyar na boses.
Si Jin. Nasa likod niya ang iba pa nilang kaibigan.
Lumakad si Jin palapit sa pwesto ko kaya naman nagpasya na akong tumayo at hinarap siya.
"Mahal na mahal ka rin niya, Sofia" pag-uulit niya.
"Jin" nanginginig ang boses ko noong banggitin ko ang pangalan niya.
"Mas magiging masaya si Josh, kung magiging masaya ka na rin "
Hindi ako sumagot, nakatingin lang ako sa kanya. Batid ko ang kalungkutang nababalot sa kanya at sa kanyang mga kaibigan. Katulad ko, nasasaktan din sila.
"Matapos ang imbestigasyon, alam kong sinisisi mo ang sarili mo...pero Sofia, 'wag mo sanang sisihin ang sarili mo dahil hindi iyon ang gusto ni Josh mangyari, hindi iyon ang gusto niyang maramdaman mo"
Sa maraming beses, muli na naman akong napahagulgol.
"Maging masaya ka para sa sarili mo... para kay Josh, kahit ikaw na lang sa sarili mo"
Naalala ko ang mga huling salitang binitawan ni Hua, na lagi raw akong maging masaya. Noon pa man, 'yun na ang lagi niyang dalangin, ang maging masaya ako.
Hua, kung nandyan ka man, kung naririnig mo man ako at ang puso ko, gusto kong sabihin na, nangangako ako.
Pangako, Hua na magiging masaya ko kahit...kahit wala ka na.
Pangako magiging masaya ko kasama ang pamilya ko. Kasama ang ala-ala natin.
Hindi kita makakalimutan, Hua. Hindi kita kakalimutan.
Pangako.
"Ngayon ang flight mo papuntang America, mabuti pa magpahinga ka na, kami na'ng bahala dito"
"Salamat. Salamat, Jin" Ngumiti lang siya bilang sagot.
Sa huling pagkakataon pinagmasadan ko ang puntod ni Hua, ang lapida, ang mga puno at ang paligid.
Someday, I will see you again and you'll see me again. We will love each other again. Ipangako mo, Hua.
Nag-umpisa na 'kong maglakad paalis, narinig ko pa ang mga kaibigan niyang kinakausap siya.
"Ang daya mo naman brad e"
" 'Di ba nga walang iwanan"
"Sabi mo gagala pa tayo...bakit iniwan mo kami?"
Muli kong pinunasan ang mga luha ko. Tumingin ako sa mga ulap at hindi ko mapigilang hindi isipin ang mga posibleng mangyari kung sakaling pinagbigyan kami nang tadhana.
Inisip ko na, paano kaya kung nandito pa siya?
Siguro, ang saya-saya ko.
Siguro, hindi kami nasasaktan ngayon nang sobra.
Siguro, kasama ko siya ngayon tapos, namamasyal kami habang kumakain ng ice cream.
Siguro... siguro, masaya kami.
—••∽•⌒•◈•⌒•∽••—
"Anak, malapit na ang flight natin " Pagpapaalala ni Mama sa'kin noong mapansin niya na wala na naman ako sa aking sarili.
Inipit ko sa notebook ko ang sulat ni Hua na paulit-ulit kong binabasa.
Sa America ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko, maraming opportunity ang naghihintay sa'kin do'n...saka isa pa, mabuti na rin siguro 'yon, para makalimot.
Hindi para makalimutan siya kung hindi para maging matapang at harapin ang kinabukasan.
Baka sakali maging masaya 'ko at matahimik na 'tong puso ko.
Dahil kahit malayo ako at malayo siya, hinding hindi ko siya makakalimutan.
Hinding hindi kita kakalimutan Hua, hindi dito natatapos ang mga masasayang alala-ala natin, hindi dito.
Magkikita pa tayo, dahil mahal kita...
"Mahal kita Joshua...Mahal na mahal"
WAKAS

BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki