PROM NIGHT
Organisado lahat at puno ng excitement ang gabing ito. Kinawayan ako nila Michael noong makarating ako kasama si Clare, nasa isang table sila kasama si Ivan na hindi maipinta ang mukha at si Nico kasama 'yung girlfriend niya.
Minabuti naming lumapit sa kanila.
"Late na ba kami?" tanong ni Clare
"Late? naisip mo pang late kayo, e nauna pa nga kayong dumating kaysa sa may-ari ng school" inis na sagot ni Ivan.
Ngayon pa lang ay alam ko na kung sino ang panalo sa selosang pambasa. Walang iba kung hindi si Ivan.
Sino ba naman kasing matutuwa kung 'yung taong gusto mo ay may kasamang iba and the worse part is that, she's with your friend.
Inaya ako ni Clare na maging date niya ngayong gabi hindi dahil may romantic feelings siya sa'kin, kung hindi dahil sa kadahilanang binalak niyang ayain si Ivan kahapon ngunit nalaman niya na may inaya na pala itong iba.
"Ano bang pakialam mo?" Iritadong sagot ni Clare
Infact, bagay na bagay sila. Si Clare na medyo childish at may sense of humor at si Ivan naman na mabait, maaruga at martyr.
"O, ayan na pala si Jin e"
Tumingin ako sa direksyon na tinuro nila. Si Jin kasama si Sofia, gaya ko naka coat and tie rin si Jin at si Sofia naman ay nagliliwanag nang gabing iyon.
Nakasuot siya ng isang tube white gown na may naggagandahang palamuti. Ang dulo ng kanyang buhok ay kulot, lalo namang nadipina ang kanyang magandang ngiti sa simpleng make-up na suot niya.
Bumaba ang tingin ko sa nakakapit niyang kamay sa braso ni Jin. Kung hindi ko lang mahal si Sofia ay sasabihin kong bagay sila.
"Bro, okay na baka malusaw" saway sa'kin ni Jin noong makalapit sila.
Binatukan ko lamang siya at ngumisi. Pina-upo naman ni Jin si Sofia sa bakanteng upuan sa table namin.
"You're so beautiful "bulong ko kay Sofia noong maka-upo kami.
Ngumiti siya bago sumagot
"Ikaw rin, ang gwapo mo"
"Dati ko pa alam 'yan, no need to remind" sabay kindat ko. Napa-iling na lamang siya at tumawa.
...
Now playing: Fifteen by Taylor Swift
♬ You take a deep breath and you walk through the door ♬
Pakiramdam ko ay sumasabay ang damdamin ko sa kanta...
♬ It's the morning of your very first day, you say 'Hi' to your friends you ain't seen in a while ♬
Nagkatinginan kami ni Sofia, ngumiti siya at ngumiti rin ako. Inabot ko ang kamay ko sa kanya, nagpapahiwatig ng isang sayaw.
She accepted my hand. I'm so happy right now, though it's just a dance.
♬ Hoping one of those senior boys will wink at you and say... ♬
Nakangiti siya sa'kin kaya't hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Inalalayan ko ang kamay niya sa leeg ko at marahan kong hinawakan ang bewang niya.
Nag-umpisa kaming igalaw ang aming mga paa at magpadala sa tugtog.
♬ Cause when you're Fifteen and somebody tells you they love you you're gonna believe them...♬
"Sofia"
♬ And when you're fifteen feeling like there's nothing to figure out...♬
"Hmm?"
"Ang ganda mo...sobra."
♬..before you know who you're gonna be Fifteen...♬
"Paano ba 'yan Hua, wala 'kong dalang pera panlibre"
Tumawa na lang ako sa sinabi niya at hindi na 'ko muling nagsalita pa.
Dinama ko na lamang ang lahat,
Ang paligid.
Ang sayaw.
Ang babaeng pinakamamahal ko.
Baka hindi na 'to maulit pa.
♬ And you're dancing round your room when the night ends...♬
Hindi ko hihilingin na maging masaya, ang gusto ko lang ay masanay ako sa sitwasyon kase kapag sanay na ako, parang okay na rin ako. Yung tipong isang araw mare-realize mo na lang na manhid ka na pala sa sakit at lungkot.
♬ When the name night ends...♬
Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang isang kalabit sa balikat ko.
Si Jin, nakangiti siya sa'min ni Sofia.
♬ Cause when you're Fifteen and somebody tells you they love you you're gonna believe them...♬
"Bro, pwede ko ba siyang isayaw?"
Saglit kong tinitigan si Sofia para sa huling sandali ng aming sayaw at saka ako tumingin kay Jin at ngumiti.
♬ And when you're fifteen Feeling like there's nothing to figure out...♬
Bago ako tumalikod sa dalawang taong sumasayaw sa harapan ko, nakita ko ang maamong mukha ni Sofia na nakatingin sa'kin.
Parang may takot at lungkot sa mga mata niya.
Bakit ang lungkot ng mga mata mo, Sofia? Hindi ba't gusto mo siya?
♬ I've found that time can heal most anything...♬
Huwag mo sana 'kong tignan ng ganyan.
♬And you just might find who you're supposed to be... ♬
'Wag mo 'kong tignan na para bang ako ang gusto mong kasayaw at hindi siya...
♬ I didn't know who I was supposed to be at fifteen ♬
Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko...
♬La la la la la la la♬
Baka bigla na lang kitang agawin kay Jin at itakbo sa malayo...malayong malayo.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomantizmC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)