✉ Eighteen ✉

80 26 0
                                    

"Hua, ano ba'ng problema?"

"Sofia, pwede bang sa ibang araw na tayo mag-usap? Marami pa 'kong gagawin" mag-uumpisa na sana akong maglakad noong hawakan niya ang braso ko.

"Ano bang ginawa ko?"

"Wala" nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi niya na rin ako pinigilan pa.

....

Dumaan ang ilang araw at puro iwas lang ang ginawa ko. Hindi ko na kasi kaya pang makita ang taong mahal ko sa tabi ko pero masaya sa piling ng iba, makita silang dalawa habang unti-unti siyang nawawala sa tabi ko. Hindi ko iyon matanggap.

Madalas kong makitang magkasama si Jin at Sofia, 'lagi siyang nakangiti, 'lagi siyang masaya.

Sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ay ramdam ko na gusto niya akong lapitan at kausapin pero kailangan kong lumayo. Kailan ko munang lumayo sa kanila.

Parang apoy na nag-aalab, kailangan mong lumayo para hindi ka mapaso, para hindi ka masunog, para hindi ka masaktan. Matuto tayong ilayo ang sarili natin sa mga bagay at mga taong maaaring makapanakit sa atin. Dahil sa huli, tayo at tayo lang din naman ang kayang magligtas sa sarili natin. Ikaw lang yung taong tatanggap sa sarili mo kapag mundo na ang nagpasyang talikuran ka.

Siguro konting panahon pa, Sofia.

Hayaan mo muna akong damhin ang mga naiwang memories natin bago ko ipamukha sa sarili ko na wala na talaga 'kong pag-asa.

Baka kasi sakaling matanggap ko ang lahat.

Baka sakaling mabawasan 'yung sakit na nararamdaman ko.

Baka sakaling maging masaya ako, kahit sa mga ala-ala lang.

...

Bukas na ang Prom Night, hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.

Tsk, bakit nga ba iniisip ko pa kung pupunta pa 'ko o hindi? Ano namang gagawin ko do'n? Kaya ko lang naman gustong pumunta noon ay dahil gusto kong makasama si Sofia.

"Josh"

Nilingon ko ang pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Si Jin, diretso ang mga titig niya sa akin habang ang mga braso niya ay hindi mapakali sa magkabilang gilid.

"Pasensya na bro, hindi ko alam"

Hindi ako kumibo. Hinayaan kong ipagpatuloy niya ang sasabihin niya.

"Hindi ko alam na gusto mo rin pala siya. Pasensya ka na kung sumulpot na lang ako bigla"

Mabait si Jin, maasahan, makulit at masarap kasama. Kaya nga hindi na nakakapagtaka kung bakit siya nagustuhan ng taong mahal ko. Well, masakit lang talaga, kaibigan e.

"Tama ka bro, gago nga ako. Gago 'ko kasi inagaw ko si Sofia sa'yo"

Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon pero hindi ko maintindihan kung bakit parang tinik iyon na bumaon sa dibdib ko. Siguro ay dahil alam kong wala siyang inagaw, dahil wala naman akong nakuha.

Magkaibigan na kaming lima simula pagkabata. Kapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa. Hanggang sa lumaki, grumaduate, naging loko at na-inlove...kaya lang 'yung sa'min ni Jin, sa iisang babae lang, kay Sofia lang. Malas ko kasi siya ang nagustuhan ni Sofia.

Huminga si Jin nang malalim bago magpatuloy "Pasensya ka na sa gago mong kaibigan"

"Buti alam mong gago ka" ngumiti siya nang sabihin ko iyon. Hindi siya nagsalita kaya't nagpatuloy ako.

"Hindi mo naman siya inagaw, una pa lang ikaw na ang gusto niya, una pa lang sa'yo na siya"

Iyon naman talaga ang totoo. Hindi ko naman pagmamay-ari si Sofia para ipagdamot siya, lalo na sa taong alam kong...alam kong mahal niya.

"Pasensya na rin Jin, sa ngayon hindi pa 'ko okay pero siguro balang araw makakalimutan ko rin siya. Sa ngayon tanggapin mo muna 'to"

Sabay suntok ko sa balikat niya. Halatang nasaktan siya pero hindi niya iyon masyadong ininda. Hindi rin naman iyon gano'n kalakas. Tumawa lang siya kaya napangiti ako at inakbayan siya. Mahigpit naman niya akong niyakap na akala mong ang tagal naming hindi nagkita.

"Salamat bro" he tapped my back and I did the same.

"Ingatan mo siya ha. Huwag mong paiyakin. Kung maging kayo man at sakaling magbago ang isip mo, i-break mo na lang, 'wag mo na siyang lolokohin at sasaktan pa" Ngumiti siya at tumango.

Hay... Nakakamiss din pala 'tong lokong 'to.

Sasama sana ako sa barkada para bumili ng wine at beer, naisipan kasi nila na uminon bukas sa Prom tutal ay last naman na raw iyon.

Nakita ko si Sofia na nakatingin sa amin sa hindi kalayuan. Hinanap ng mga mata ko si Jin dahil baka hinahanap niya ito, pero wala si Jin doon.

Diretso ang mga titig niya habang papalapit sa pwesto ko. Doon ko lang napansin na sa'kin pala siya nakatingin kanina.

Medyo na-miss ko siya. Hindi, ang totoo na-miss ko talaga siya.

Unti-unti akong naglakad patungo sa pwesto niya.

"Hua pwe...pwede ba tayong mag-usap?"

Napansin ko ang nagbabadyang luha sa mga mata niya. Mukhang ang lungkot lungkot niya.

Lokong Jin 'yon ah, sabi ko 'wag hahayaang malungkot 'to e. Nasaan na ba kasi ang isang 'yon?

"Hua, sorry...I miss you, sorry kung ang manhid ko, sorry... sorry kung nasaktan kita. I'm sorry hindi ko sinasadya" Lumandas ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Lagi naman akong nasasakatan kahit sinasadya mo o hindi, kasi nga mahal kita. Magtaka ka kung hindi ako nasasaktan dahil ibig sabihin lang noon, hindi kita mahal.

"Nasabi ko na ba sa'yong ang panget mo kapag umiiyak?"

Tumawa siya, sinyales na iyon na okay na kami. Tinitigan muna niya ako sa mata bago ako hampasin nang mahina sa dibdib. Pinunasan ko ang mga luha niyang kanina ko pa gustong punasan.

"Hua" muli niya akong hinampas.

"Bakit mo 'ko hinampas? bati na ba tayo? Chansing ka lang e" niyakap niya ako nang mahigpit, sobrang higpit. Parang ayoko na ngang kumawala sa yakap niya kaso lang...

"Sofia, nasasakal ako"

"Sorry" naiiyak pa rin siya kahit okay na kami. Na-miss niya nga talaga ako.

"Lagi kang mag-iingat, dapat 'lagi kang maging masaya dahil kung hindi uupakan ko si Jin"

Tumawa lang siya. Ang cute niya kapag umiiyak tapos tumatawa. Hindi ko tuloy mapigilang hindi siya titigan.

"Mami-miss kita" muli kong pinunasan ang mga luha sa magkabila niyang pisngi "Kahit hindi mo na'ko kasama, kahit hindi tayo, kahit may iba kang mahal...palagi pa rin akong nasa tabi mo, binabantayan ka"

"Hua naman e, bakit ganyan ka mag salita, iiwan mo na ba 'ko?"

"Baka ikaw ang mang-iwan sa'kin" Tinitigan niya ako nang masama at hinampas ang balikat ko. Sadista talaga. Natawa na lang ako sa naging reaksyon niya.

I will miss that glare. I will miss you, Sofia.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon