✉ Nineteen ✉

80 24 0
                                    

Kanina ay maagang natapos ang klase, kailangan na rin kasing mag handa ang mga studyante para sa gaganaping Prom.

Wala sana akong balak umattend kaso pinakiusapan ako ni Clare. Isa pa gusto ko rin kasing pagtripan si Ivan.

"O paano ba 'yan, mauuna na 'ko sa inyo. Ihahatid ko pa kasi si Sofia" paalam ko.

"Hindi na bro, ako na lang ang susundo at maghahatid sa kanya. Mag-ingat na lang bro sa pag-uwi" presenta ni Jin.

Saglit akong napatigil. Gusto ko sanang magmatigas at sabihin sa kanyang, ako na ang maghahatid kay Sofia pero bigla kong napagtanto na si Jin nga pala itong kausap ko, ang taong gusto ni Sofia, ang taong mahal ng taong mahal ko.

"Sige" Pagsuko ko. Ngumiti ako at tumango sa kanila bilang pagpapaalam.

Okay lang iyon. Dadating din naman sa punto na magiging sila, sa punto na matatanggap ko rin ang lahat at makakalimot kasabay nang pagharap sa kinabukasan para sa panibagong bukas.

...

Kinabukasan ay ako ang naghatid kay Sofia sa bahay nila. Sa byahe ay marami kaming napag-kwentuhang mga masasayang ala-ala. Hindi naman pala gano'n kalungkot ang buhay niya noong nawala ako sa tabi niya dahil kasama naman niya si Jin. Sana laging siyang gan'on, lagi siyang maging masaya kahit wala na ako sa tabi niya.

"Hua, umattend ka ha, sasapakin kita 'pag hindi ka umattend!"

"Oo naman, may date na nga ako e" mayabang na sagot ko sa kanya.

"Sino?" tanong niya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Clare ang date ko dahil gusto kong tuparin ang pangako ko kay Clare na 'wag ipagsabi na ako ang date niya. Balak niya kasing pagselosin si Ivan.

"Makikilala mo rin siya" Sabi ko. Napangiti ako noong sabihin ko iyon. Ito rin kasi ang lagi niyang "Line" sa tuwing tatanungin ko siya kung sino ba talaga ang lalaking kinahuhumalingan niya noon.

Napansin ko na medyo nalungkot siya sa naging sagot ko. Na-disappoint siguro siya dahil ayokong sabihin, hindi naman kasi pwedeng ma-disappoint siya dahil nagseselos siya 'di ba? Malabo kasing mangyari 'yon.

"Nakakainis ka!" Tinawan ko lang siya at hinintay na makapasok sa loob ng gate nila.

"See you later, sa prom! " Pahabol na sigaw ko.

"See you, with your date" mariing sabi niya.

Natawa na lang ako noong inis niya akong inirapan at pamartsang pumasok sa loob ng bahay nila.

"Pa'no ko kakalimutan 'yung feelings ko sa'yo kung laging kang nagpapa-cute" bulong ko sa sarili ko.

Masaya 'kong pinaandar ang engine ng sasakyan ko at maingat na nagmaneho pauwi.

Hay Joshua, someday... Someday you'll finally forget her, your feelings for her.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon