✉ Three ✉

136 31 0
                                    

Isang babae...

Gulo-gulo at buhaghag ang kulot nitong buhok. Maputi ito at may suot na malaking salamin. Medyo chubby at pawisan, and bruh, ang dami niyang tigyawat.

Sa puntong iyon ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa buong sistema ko. Bigla nalang akong natulala at kinabahan.

Shit! bigla yatang bilis ng tibok ng puso ko?

Ito dapat 'yung mga oras na tatalikod lang ako para tumawa o hindi naman kaya ay makipag-unahang tumakbo sa mga kaibigan ko.

Fuck! ganito na ba ang epekto sa'kin ng mga babaeng pinagpala sa pimples?

"Ano ba, Joshua! Alis na tayo"

Pag-aaya ni Michael pero hindi ako  agad nakagalaw. Pakiramdam ko ay sinemento ako sa kinatatayuan ko. Anong ba'ng nangyayari sa'kin?

"Bro naman, alis na tayo. Nakatingin na dito e" bulong ni Niko sa'kin.

"Hoy Josh! Ano na? Sibat na tayo, ang panget niyan o"

"Zero sa'kin 'yan" komento ni Michael.

"Zero point five" dagdag pa ni Ivan.

Naiintindihan ko naman ang mga kaibigan ko. If I were them, baka gano'n din ang maging reaksyon ko, lalo na sa mga tingin niya ngayon. Ayokong mag-assume pero kung titignan ay parang kursunada pa niya yata ang isa sa amin. Hindi ko naman sinasabing ako, pero parang gano'n na nga.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko. Hindi ito pamilyar sa'kin. Kinukulam na ba 'ko?

"Mi-miss" kinakabahang tawag ko.

Nanlaki ang mga mata niya na para bang nagulat siya sa pagtawag ko. Sabi na e,  kursunada ako ng isang 'to.

"Bakit?"

"Nababaliw ka na ba Joshua? Ang panget niyan o, jusko naman Josh!Mukha siyang bilugang harina na isinawsaw sa pinipig" bulong ni Michael.

Tinitigan ko ng masama si Michael at kaagad na ibinalik ang tingin ko sa babae.

"Anong pangalan mo?"

Bigla akong nakaramdam ng kaba. Naisip ko na baka matakot siya, baka isipin niyang may gusto ako sa kanya. Napamura nalang ako sa isip ko.

Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako kahit ang lamig naman ng panahon. Tinitigan ko siya habang unti-unti niyang ibinubuka ang mga labi niya.

"Sofia"

Sa wakas, nagsalita ka rin.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon