Noong makarating ako sa bahay ay hindi ko na nagawang magbihis pa, dumiretso kaagad ako sa kusina at tinanong ko kay Mama kung dumating ba si Joshua.
"Ma, si Joshua po ba bumalik na?" tanong ko
"Hindi pa, babalik daw ba?"
Hindi ko na sinagot si Mama. Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko.
Kahit naman hindi niya sinasabi na babalik siya ay bumabalik pa rin siya, kaya alam kong babalik siya.
Di-nial ko ang number ni Hua, nabasa ko pa ang huling text niya sa cellphone ko.
"Take care, Panget"
Napangiti na lang ako dahil ni isang reply kasi mula sa akin ay wala siyang natatanggap.
Nag ri-ring lang ang phone niya kaya naisipan kong puntahan na lang siya sa bahay nila.
Medyo hapon na kaya minabuti kong mag suot ng jacket at cap. Aalis na sana 'ko nang biglang naaninag ko ang pangalan ni Hua sa screen ng cellphone ko.
Tumatawag siya...
Sinagot ko kaagad ang tawag niyang iyon. Noong una ay hindi siya nagsasalita. Nag-umpisa na akong makaramdam ng kaba.
"Hua?"
"Hello, Hua? "
"Mah—" bigla akong kinilabutan sa kakaibang tono ng boses ni Hua mula sa kabilang linya.
Bakit parang nahihirapan siya? Anong nangyayari?
"Nasaan ka, Hua? Nasaan ka! " Hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hindi mag-panic.
Hindi siya kaagad sumagot. Naririnig ko pa ang halos sunod-sunod na hiningang pinakawalan niya.
"So-Sofia..I...I" Hindi ko na siya pinatapos pa at ni-end ko ang tawag niya. Binuksan ko ang GPS ko at madali kong na-track ang device niya malapit sa Shop na lagi naming pinupuntahan noon.
Hindi na ako nagpahatid pa sa driver namin dahil marami itong kakaining oras kung ilalabas pa ito sa garahe, pumara na lamang ako ng Taxi sa kanto.
"Manong, sa Shop sa Rios street. Pakibilisan po"
Sinunod naman niya ang sinabi ko. Mabilis pero maingat ang pagpapatakbo niya. Halos parang lumilipad na nga ang sasakyan namin sa bilis.
Noong makarating ako ay inabot ko ang bayad ko kay Manong driver, ngunit hindi niya ito tinanggap.
Lumingin ako sa kanya at kung hindi ako nagkakamali ay nasa edad 50s na siguro siya.
"No need to pay, Miss ganda " Sabay ngiti niya at kindat. Sa kabila ng kabang nararamdaman ko ay nakuha ko pa ring suklian siya ng ngiti.
"Alam mo Miss, ang love ay dumarating sa tamang panahon, sa tamang oras at sa tamang tao. Hindi man ngayon pero sigurado ako, mahahanap mo rin siya" Ngumiti ulit ako sa kanya bago magsalita.
"Nahanap ko na po siya" tapos siya naman 'yung ngumiti. Hindi ko na hinintay pa ang susunod niyang sasabihin, dumiretso na kaagad ako sa loob ng Shop ngunit bigo akong makita siya roon.
Hanggang sa narinig ko na lang ang paghingi ng tulong nang isang babae sa Security guard na nasa entrance.
"May... May lalaki doon manong, duguan! " nagpa-panic na turan ng babae. Dumoble ang kabang kanina ko pa nararamdaman.
Sinundan ko si Manong guard at ang babae sa direksyong kanilang tinahak.
Kaunting lakad lang ang ginawa namin patungo sa likod nitong Shop. Huminto kami sa isang masukal at makipot na daan.
"Ayon po, Manong!" sigaw ni Ate.

BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
Roman d'amourC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki