✉ Eleven ✉

83 26 0
                                    

"Sorry na kasi"

"Okay nga lang"

"Alam kong hindi iyon okay" habol ko sa kanya "Uy Sofia, pansinin mo naman ako"

Sinusuyo ko siya dahil sa nangyari kahapon. Na-isip ko kasi na mali 'yung ginawa ko. Hindi ko man lang sinigurado kung nakapasok na siya sa bahay nila, umalis nalang ako ng parang wala lang.

"Okay lang nga"

"Tignan mo muna 'ko" ang sabi ko, pero hindi siya makatingin sa'kin at halata sa mukha niyang nagpipigil siya ng galit.

"Sorry na, hindi ko dapat ginawa 'yon, nagkataon lang na pagod ako. I'm sorry, Sofia"

Tinitigan niya ako. Hinintay kong magalit siya pero wala akong natamong galit, niyakap niya lang ako.

"Hua naman e, 'wag mo nang uulitin 'yon. Akala ko... galit ka sa'kin"

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? Parang hindi ko naman yata kaya 'yon" sabay ngisi ko.

"Basta pag may problema ka naman kasi, mag share ka!"

"Paano ko isha-share? E ikaw 'yung problema ko. Ang panget mo kasi" saka ko siya tinawanan, hinampas lang niya ako sa braso at tinignan ng masama.

Huwag mo 'kong titigan ng ganyan Sofia, hindi mo alam kung ilang beses akong nahuhulog sa'yo sa tuwing ginagawa mo 'yan.

CAFETERIA

"Panget ba talaga 'ko, Hua?" Wala sa sariling tanong niya.

Muntikan ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong na iyon. Binigay niya sa'kin ang panyo niya dahil doon ay medyo naka-recover ako.

"So, panget nga" Ang sabi niya. Pagkatapos noon ay bigla siyang nalungkot. Iniwas niya ang mga tingin niya sa akin.

"Hindi ka panget, tsk. Maganda ka naman, masyado ka lang sadista"

Maganda naman talaga siya e, dahil kung dati medyo pumayat na siya...ngayon naman ay may hubog na siya, makinis na rin ang mukha niya. Ang dating sobrang kulot niyang buhok ay naging straight at medyo smooth na rin. Hindi na niya kailangan maging insecure pa.

"E, bakit sabi mo noon panget ako"

"Bakit, sinabi mo ba noon na gwapo ako?"

"Hindi iyon ga-"

"O, hindi naman pala e" sabay subo ko sa pizza'ng hawak ko.

"Hindi naman kasi gano'n 'yon. Dati kasi parang diring-diri 'yung mga tao sa paligid ko"

Tinitigan ko siya. Damang dama ko ang pait sa tono ng boses niya,  ang lungkot sa mga mata niya.

"Iba kasi 'yung noon sa ngayon Sofia. Hindi naman kasi sila katulad ko, na una palang tanggap ka at mah- ...na maunawain. Ibang iba na talaga ngayon, maganda ka na. May nanliligaw na nga sa'yo e"

"Si Jc? parang niloloko lang ako no'n e"

"Meron namang iba diyan na may crush sa'yo "

"Sino si Mike? E may girlfriend na 'yon e"

Mapait akong ngumiti.

Bakit ba hindi mo 'ko makita bilang isang manliligaw o hindi naman kaya ay bilang isang tagahanga mo? Ganoon na ba talaga 'ko kahinang dumiskarte?

"Malay mo nasa tabi mo lang pala siya. Malay mo...sa sobrang focus mo sa iba, hindi mo alam, nababaliwala mo na pala siya"

Seryoso ko siyang tinitigan pero inirapan niya lang ako. Hindi ko pabigilan ang sarili kong hindi mapangiti sa tuwing tinatarayan niya 'ko, pakiramdam ko kasi bumabalik kami sa simula.

"Sabihin mo na lang kasi sa'kin na walang lalaking seseryoso sa panget na katulad ko" Kokontrahin ko sana siya ngunit kaagad niya akong pinigilan.

"Shh, save your words. Samahan mo na lang ako sa labas"

Hindi ka panget, Sofia. Para sa'ken, ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Para sa'ken, ikaw ang babaeng dapat minamahal.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon