Inaya ako ni Nico na kumain sa labas kasama ang ipapakilala niyang girlfriend niya, sakto naman at nagprisinta si Michael na sumama kaya naman siya nalang ang pinasama ko.
Hinihintay ko si Sofia na lumabas mula sa huling klase niya, kaso 'yung dakilang teacher nila ay ayaw pang mag palabas kaya naman kinailangan ko pang maghintay ng ilang minuto bago sila pinalabas.
"Hua, ang aga mo yata"
"Maaga o late lang kayong pinalabas? Yung totoo, driver mo 'ko? iiwan na sana kita e"
Tumawa lang siya at marahan akong niyakap. Literal na nanlamig ako sa yakap na 'yon pero hindi ko iyon pinahalata.
"Saan tayo? Libre mo?"
"Parang kahapon lang libre ko rin e" pagbibiro ko.
"Grabe, akala ko pa naman makakaligtas ako ngayon" sabay pout niya.
"Tsk, tara na nga. Kunwari ka pa, hindi ka rin naman manlilibre" pabirong akusa ko sa kanya.
.
"Parang nag iba ang lasa ng pagkain nila rito"
"Matuto kang mag move on at mag-appreciate ng iba paminsan minsan" sagot ko habang pinagmamasadan siyang kumain.
"Hua, kanina nakita ko siyang bumibili ng chocolate at flowers"
"So? edi bumili ka rin" malamig kong sagot sa kanya.
Kailangan ba sa tuwing mag-uusap kami, pag-uusapan din namin 'yung crush niya?
Break muna, Time freeze.
"Nah! May girlfriend na kaya siya? Para kasing meron na e. Sigurado ko na ibibigay niya 'yon bukas sa girlfriend niya"
Tapos bumusangot siya. Valentines na bukas pero hindi parin ako nakakapaghanda.
Sa tuwing binabanggit niya ang lalaking iyon ay lagi nalang siyang nalulungkot. Bakit ba kasi hindi nalang ako, Sofia?
"Malay mo naman, bading pala siya tapos binilan lang niya 'yung sarili niya" Sabi ko. Pero hindi noon nabago ang malungkot na ekspresyon ng mukha niya.
"Para tuloy ayoko nang pumasok bukas"
"Hindi pwede! " mabilis na sabi ko.
"I mean, malay mo naman mapansin ka na niya bukas, malay mo may mag bigay rin sa'yo ng gano'n"
"Hindi naman 'yun ang point ko e. Hindi naman iyon tungkol sa kung meron o wala bang magbibigay sa akin"
"Basta pumasok ka bukas, may sasabihin kasi 'ko sa'yo"
"Ano?" tanong niya.
"Bukas nga 'di ba?" sarkastiko kong sagot.
"Ngayon na" pilit niya.
"Wala nang thrill pag ngayon ko sasabihin" sabi ko.
"Sus, wala ba kayong date ng girlfriend mo?" pag-aasar niya sa'kin.
Makukuha ko pa bang magkaroon ng girlfriend kung lahat ng atensyon ko na sa'yo?
"Masyado silang marami, kumain ka na nga lang, ang daldal mo"
-
Paano nga pala ㅁko bibili ng Valentines gift kung kasama ko siya?
Alam ko na.
Ihahatid ko nalang muna siya bago 'ko pumunta sa Shop. Tutal ay okay lang naman na medyo gabihin ako ng uwi ngayon.
Pagkatapos ko siyang ihatid ay umuwi muna ako sa bahay para mag bihis at magpaalam na rin kay Mama.
SHOP
Bumili ako ng isang bouquet ng bulaklak at tatlong piraso ng Chocolates. Kumuha 'ko ng box na maliit para lagyan iyon ng pendant. Ang pendant na napili ko ay may disenyong mga ibon. Hindi iyon masyadong kalakihan, sakto lamang kung titignan.
Napansin ko rin ang isang malaking Teddy bear na kulay pink sa mga hilera ng mga teddy bear sa likuran. Mukhang magugustuhan ito ni Sofia .
Kukunin ko na sana iyon para bayaran sa counter noong may magtangkang kuhanin ito mula sa akin. Mabuti nalamang ay mahigpit ang hawak ko rito kaya't hindi niya iyon kaagad nakuha.
"Sorry dude, it's taken. I'm going to buy it "
"No. I'm going to buy this, move your ass" saka siya ngumisi.
May kasama siyang isang babae. Matindi ang kapit niya sa bewang ng dalaga kaya naman walang dudang girlfriend niya ito. Mukhang dito niya rin balak ibigay ang teddy na ito.
"Paano ba 'yan, nauna 'ko " Matalim niya akong tinitigan pero hindi ako natinag.
Habang tumatagal ay mas lalong namumio ang tensyon sa pagitan namin. Mas pinili ko nalang na umiwas sa gulo.
Didiresto na sana ako sa counter noong marahas niya akong itinulak sa isang table sa loob ng shop. Tumama ang kanang binti ko sa bakal na bahagi ng lamesa.
Saglit kong ininda ang sakit. Pagkatapos noon ay naramdaman ko ang malakas na pagsapak niya ng tatlong beses sa mukha ko.
Binawian ko rin siya ng suntok at tadyak. Hinawakan ko siya sa braso para hindi siya makawala at saka ko pinalipit ang braso niya sabay suntok ulit sa mukha niya.
Susuntukin ko sana ulit siya ngunit bigla niya akong siniko dahilan para mamalipit ako sa sakit. Pagkatapos no'n ay sinipa niya ko sa tagiliran at natumba ako sa sahig. Pakiramdam ko ay isang sako ng bigas ang ibinagsak niya sa akin.
Hahampasin niya pa sana ako ng upuan na hawak niya, mabuti na lamang ay kaagad akong naka-ilag. Marahas ko siyang sinipa sa tiyan, sa puntong iyon ay dahan dahan akong tumayo.
Umikot ang paningin ko habang nanlalabo ito. Halos matumba ako noong sinubukan kong ilibot ang paningin ko. Naramdaman ko nalang ang pag-alalay sa'kin ng isang babae, pinagmasdan ko siya at nasa 40s na ang itsura niya.
"Holy shit, Lucas stop it!" Sigaw niya sa lalaking naka-away ko.
Marami ang body guards na pumalibot do'n sa Lucas habang pinipigilan siyang sugurin ako.
"Pasensya ka na sa anak ko. He's always like that, pasensya na talaga" Tarantang sabi noong babaeng kanina'y umalalay sa'kin.
"I'm okay " pilit kong sagot.
"Saan ka ba nakatira? Ihahatid ka na namin, Do you need mone-"
"Thank you for the concern, but no thanks, I can take care of myself"
Pagkayari noon ay mabilis din silang umalis kasama ang mga body guards. Narinig ko sa hindi kalayuan ang mga taong nag-uusap matapos kong mag bayad sa counter.
Ang Lucas pala na naka-away ko ay isang anak ng Mayor sa lugar namin. Narinig ko rin na lulon ito sa droga, pala away at matigas ang ulo. Kaya naman pala.
Noong makauwi ako ay tinadtad ako ni Mama ng sermon. Ginamot rin niya ng mga sugat ko. Nagtamo ako ng maraming pasa at sugat. Putok lang sa labi ang natamo ng mukha ko kung hindi bawas pogi points nanaman.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)