✉ Six ✉

116 25 0
                                    

"O, bakit nakatingin ka?"

Magkasalubong ang kilay niya noong mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Wow ha, bakit naman kita titignan? In the first place, hindi ka maganda. Hindi ba dapat nga, masuka pa 'ko sa mukha mo? " sabay ngisi ko.

"Hoy! Mr. GGSS of the universe to the highest level of arrogance, with attitude, kung meron mang nakakasuka ang mukha rito, ikaw 'yon. Isa pa,  nakakasuka rin ang ugali mo"

"Talaga? Bakit maganda ka?"

"Isang banat mo pa at alam mo na kung saan ka pupulutin" inis na banta nito.

"Detention room, terminated, o kick out? O baka naman gusto niyo nang paalisin si Mang Kiko sa school at ipalit ako" natatawang sabi ko.

Hinintay ko ang sagot niya ngunit bigo ako. Hindi niya 'ko pinansin. Deadma na naman, tsk.

Ang mga tingin niya ay malayo na, para bang may hinahanap siya sa kawalan. Sinundan ko ang mga titig niya para malaman kung ano nga ba ang tinitignan niya.

Nakatingin siya sa cafeteria. Isang lalaki ang pumasok doon. Hindi ko masyadong nakita ang mukha ng lalaking iyon, kaya't ibinalik ko na lamang ang atensyon ko kay Sofia.

Maya-maya pa ay nagsimulang nang maglakad si Sofia palayo. Susundan ko sana siya, pero bigla akong nakatanggap ng text mula kay Ivan.

Ivan: Bro, sa'n ka na? Start na practice.

Kaagad akong nagpalit ng damit at pumunta sa gym. Noong makarating ako ay nag-uumpisa nang mag-practice ang team. Tinawag ako ni coach sa gilid at kaagad na pinapasok sa laro bago siya nagpaalam at bumaba ng gym.

Ipinasa sa'kin ni Jin ang bola, akmang Ishu-shoot ko na ito noong may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Mr. Dela Rosa!" Sigaw ni Sofia kasama ang dalawang miyembro ng committee.

"O, bakit ka nandito? Don't tell me, nandito ka para ipaalam ang suporta mo, o baka naman aayain mo na 'kong mag-date" sabay halakhak ko.

"As we checked all the properties of the University, we -"

"Just go straight to the point" mayabang kong sabi sa kanya na halatang ikina-inis niya.

"You need to go with me, Mr. Dela Rosa"

"Go with you? Saan, sa date? Busy pa 'ko e" binigyan ko siya nang nakakalokong ngiti. Inirapan naman niya ako.

"Palala na nang palala ang violation na ginagawa mo rito sa University at bilang presidente ng Disciplinary Committee, I will not tolerate that kind of behavior " Matapang pero kalmado nitong sabi.

"Ano na naman ba'ng ginawa ni Joshua? " Tanong ni Nico.

"Vandalism"

Napangiti ako. Naalala ko ang sinulat ko kahapon sa Corridor.

✏ A N G  P A N G E T  N I   S O F I A

"Wala namang masama sa sinulat ko ha, totoo naman 'yon 'di ba? " ngumiti ako at nakita ko ang inis sa mga mata niya. Mas lalo namang namuo ang ngiti sa labi ko.

"Totoo o hindi, vandalism pa rin ang ginawa mo" kalmado lang siya pero halata ang inis at pagkairita sa kung paano niya akong titigan.

"Tsk. Ako rin naman ang maglilinis no'n 'di ba? " sabay hagis ko ng bola sa ring.

"Hindi ko alam kung papansin ka lang o wala ka talagang pakialam sa feelings ng iba" nagbago ang expression ng mga mata niya.

Namuo ang luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Nakikita ko doon ang pinaghalong inis at lungkot. Para bang isang hakbang na lang ay tutulo na ang mga luhang iyon.

Hindi na siya muling nagsalita pa. Tinalikuran niya na lamang ako at mabilis na naglakad paalis.


Sorry Sofia.


Papansin na kung papansin, pero iyon lang kasi ang nakikita kong paraan para mapansin mo. Pasensya na Sofia, pero sana...sana, pansinin mo pa rin ako.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon