✉ Four ✉

131 30 1
                                    

"Panget naman ng pangalan mo" Kasabay no'n ang pagtawa ko ng malakas kahit pilit.

Nak ng! Ano bang sinasabi ko? Bakit ko sinabi 'yon?

Hindi ko alam kung bakit iyon ang nasabi ko, ang alam ko lang ay ayokong mahalata niya na
interesado ako sa kanya.

Ang maamo nitong mukha ay napalitan ng pagkairita. Para siyang pusa na nag-transform sa pagiging liyon.

"Ang yabang mo rin no? Gwapung gwapo ka ba sa sarili mo? Well, para sabihin ko sa'yo, kamukha mo si King Kong!"

Ewan ko. Dapat mainis ako, dapat mabwisit ako dahil ayokong nakakarinig ng hindi maganda, lalo na kung ako ang sinasabihan.

"Sus! kungwari ka pa! Pasalamat ka nga sa panget mong 'yan hinahayaan pa kitang pagnasaan ako"

"What the-. Una sa lahat, hindi kita pinagnanasaan, nakakasuka kaya 'yang pagmumukha mo! Pangalawa, Oo hindi ako kagandahan pero wala kang karapatang husgahan ako!"

Hindi naman kita gustong husgahan. Sa ngayon, hindi ko rin alam ang dahilan kung bakit kita kinakausap. Siguro ay dahil gusto pa kitang makilala ng lubos.

"Miss, I mean Miss Panget, ala-"

"Pangatlo, bukod sa mukha kang King Kong na may kasamang mga unggoy, ang panget pa ng ugali mo! For your information, batas ang nilabag mo, dahil sa eskwelahang ito, bawal ang bullying. Naiintindihan mo! "

"Alam ko" mayabang na sagot ko sa kanya.

"Iniimbitahan kita sa opisina ng disiplinarya. Sumama ka sa'kin, ngayon na"

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Noong una, akala mo siya isang kawawang anghel na biktima lang ng mapanghusgang mundong ito. Inosente pero nakakatakot.

"Bakit naman ako sasama sa'yo?"

"Ms. Sofia Marie Alvarez, new president of Disciplinary Committee at pinasasama kita ngayon sa Disciplinary Office dahil-"

"New president huh?" Siya pala ang usap-usapang bagong presidente ng Disciplinary Committee.

"Uh huh" inayos niya ang salamin niya. Napataas ang kilay ko, kaagad naman akong nag-iwas ng tingin.

"Anyway, hindi mo na pala kailangang pumunta sa opisina" ngumiti siya "Nakalimutan ko, pwede ka na palang mag-umpisa"

"Anong umpisa? " naguguluhang tanong ko.

"Ano pa? Edi maglinis ka na" Mataray niya akong inirapan at tinalikuran. Muli siyang bumaling sa akin "Huwag ka nang magtangkang tumakas dahil makikita kita sa CCTV" muli niya akong tinalikuran at lumakad paalis.

Ilang segundo akong na-istatwa sa pwesto ko. Napamura nalang ako sa isip ko noong mapagtanto kong maglilinis ako.

Lumapit si Jin sa'kin at hinawakan ang balikat ko "Goodluck, pre"

"Ginusto mo 'yan e" wika ni Ivan

"Wrong move bro, wrong move"

Tanginang barkada 'to. Napa-iling nalang ako sa kawalan. Sa isang banda, na-realize ko na kasalanan ko naman kung bakit ako nalagay sa ganitong sitwasyon.

Naiwan akong mag-isa doon. Pinagmasdan ko ang CCTV sa itaas na bahagi ng dingding mula sa kinatatayuan ko. Ngumiti ako ng nakakaloko at kinindatan ang CCTV.

You're watching huh?

Kinuha ko lahat ng gamit pang-linis sa janitor naming si Mang Kiko at sinimulang lampasuhin ang sahig sa itaas na palapag ng building namin.

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa tuwing maiisip ko siya. Ang gulo pero ang saya.

Tangina, Josh. Kailan ka pa naging attractive sa gano'ng klase ng babae? Anong nangyari sa 'Very High Standard' mo?

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon