"Baka naman pwede mo 'kong isabit diyan" suhesyon ko kay Sofia.
Bibili raw siya ng bagong damit para raw maging presentable siya sa araw na magkita sila ng 'Crush ' niya.
Ang sakit pala talaga sa pakiramdaman na alam mo sa sarili mo na 'yung taong gusto mo ay may ibang gusto at ang tangi mo lang kayang gawin ay pagmasdan siya at tiisin ang lahat.
"Syempre kasama ka, kung wala ka sinong isasama ko?"
"Sino ba kasi 'yong gago na 'yon?"
"Makikilala mo rin siya" sumilay ang malaki niyang ngiti pero unti-unti rin iyong nawala.
"Bakit? May problema ba?" Tanong ko
"Wala naman, naisip ko lang kasi na, hindi pa nga pala niya 'ko kilala" Hindi ko alam pero napangiti ako noong sabihin niya iyon.
"Kaya nga kalimutan mo nalang siya"
"Hindi pwede!" Singhal niya.
"Ako nalang kasi" wala sa sariling sabi ko.
"Ha? Anong sabi mo?"
Saka ko lang napagtanto ang sinabi ko. Tangina. Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag-isip ng palusot.
"Ang sabi ko, iba nalang kasi"
"Sa'yo kasi madali lang makalimot" inis niya 'kong tinitigan "magkaiba kasi tayo" saka siya nag-umpisang maglakad palayo.
Pinagmasdan ko siya habang papalayo.
"Kung madali lang, edi sana nakalimutan na kita, sana hindi ikaw. Pero tama ka, magkaiba tayo, kasi ako mahal kita pero ikaw hindi"
"Bro! Inlove daw si Ivan "
"Si Jin din naman e" Pagdamay ni Ivan kay Jin.
"Huwag ako, gago hahaha" depensa ni Jin.
Mabuti pa 'tong mga 'to, mukhang nagiging mabait sa kanila si Kupido. Kamusta naman daw ako?
"Ang nakakatawa lang kasi dude, 'yung crush ni Ivan...alam mo kung sino?"
"Sino?" Tanong ko.
"Si Clare, 'yung mortal enemy niya" sabay tawa ng malakas ni Michael. Pinagmasdan ko si Ivan, napa-iling nalang ito.
"E si Jin dude, alam mo kung sino?" Tanong niya ulit.
"Sino?"
"Yun nga e, hindi ko rin alam" sabay halakhak niya, natawa nalang din ako.
Habang busy at nagtatawanan sila ay sinamantala ko na ang pagkakataon para makaalis. Susunduin ko pa kasi si Sofia.
Nalaman ko dati na sa iisang subdivision lang pala kami nakatira, kaya naman madalas ay nagsasabay na lang kami pauwi at papasok. Pabor naman iyon sa'kin dahil maraming pagkakataon na makakasama ko siya.
Noong nasa byahe kami pauwi, tahimik lang siya. Naramdaman niya siguro na wala ako sa mood para pag-usapan na naman ang lalaking kinahu-humalingan niya.
"Hoy Hua, kanina ka pa tahimik diyan. Hindi mo ba talaga ko papansinin? "
"Pagod lang ako"
"Pagod? Ano ba kasing ginawa mo? Baka naman magkasakit ka na niyan" Bahagya niyang inilagay ang palad niya sa noo ko. Parang literal akong nakaramdam ng kuryente, kaagad ko iyong inalis.
"Hindi naman siguro"
"May problema ka ba?"
Umiling lang ako at minabuting mag-drive nalang. Hindi narin naman siya nagsalita pagkatapos noon.
Hininto ko ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Mula sa loob ay kinawayan ako ni Tita Elle, ngumiti naman ako sa kanya.
Bumaba ako at pinagbuksan si Sofia ng pinto "Tara sa loob, dito ka nalang din kumain" Pag-aaya niya.
Gusto ko sana pero may kung anong bagay ang bumubulong sa'kin na umuwi nalang at magpahinga.
"Next time nalang siguro"
"Sigurado ka? May sakit kab-" hindi ko na siya pinatapos.
"Bye" paalam ko.
Nagmadali akong sumakay sa sasakyan at pinaharurot ito. Natanaw ko pa sa side mirror ang nag-aalaang mukha ni Sofia.
Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Siguro, ayoko lang talagang napag-uusapan ang lalaking gusto ni Sofia. May kakaiba kasi lagi sa mata niya sa tuwing binabangit niya ang lalaking iyon, na hindi ko nakikita sa tuwing ako ang kasama niya.
Crush is just like admiring someone, that's what they say. Pero hindi kasi iyon ang depinisyon ng crush sa'kin. Ayoko ng gano'n, ayokong magkagusto sa iba si Sofia.
![](https://img.wattpad.com/cover/62271078-288-k838465.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki