Napahawak na lang ako sa bibig ko noong makita ko si Hua na nakahiga doon at duguan. May nakatusok na isang matulis na bagay sa kanyang kaliwang dibdib.Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Hua!"
Tuloy-tuloy ang agos ng luha ko noong masilayan ko siya nang malapitan. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa nakikita kong sitwasyon ni Hua.
Tumawag kaagad si Manong guard ng ambulansya. Sinubukan namin na itayo siya at isugod sa ospital pero napahinto kami dahil mayroon din pa lang bakal na nakatusok sa kanyang tagiliran na nakakonekta sa gilid ng pader. Nanginginig ang mga kamay ko.
Halos hindi ko na siya makilala sa dami ng dugo sa kanyang mukha, namamaga rin ang buong mukha niya at halos hindi na niya maidilat ang kanyang mga mata dahil sa mga tama nito.
Gusto kong alisin ang patalim na nakatusok sa kanyang dibdib pero hindi ko kaya, baka masaktan siya.
"Hua naririnig mo ba 'ko?"
Pinipilit niyang idilat ang kanyang mga mata.
"Sofia...a..ala..alagaan mo ang..sarili" Hirap na hirap siya sa kanyang pagsasalita.
"Oo Hua, 'wag ka nang magsalita"
"La...lagi ka-kang..maging...ma..masa"
"Hua 'wag ka nang magsalita, parang awa mo na"
Niyakap ko siya ng marahan. Inilibot ko ang mga mata ko sa katawan niya, napakarami niyang sugat halos bugbog sarado ang kaniyang katawan.
"Ma...Mahal...na...Mahal ki–kita Sof.."
"Mahal na mahal din kita Hua...Mahal kita "saka ko hinalikan ang labi niya. Ramdam kong manhid ang labi niya pero pinilit niya pa ring tugunan ang halik ko.
Dinukot ko ang cellphone ko sa bag at tumawag kay Tita Verna para ipaalam ang nangyayari
Narinig ko pa ang pag-iyak ni Tita sa kabilang linya at pagpa-panic ng mga tao sa paligid niya.
Unti-unting gumalaw ang kamay ni Hua, parang may dinudukot siya sa kanyang bulsa.
"Huwag ka nang gumalaw, please" paki-usap ko sa kanya.
Hinarap niya sa'kin ang isang kwintas, kinuha ko naman iyon.
Nakalagay sa kwintas na ito ang pangalan ko.
Doon ay mas lalo akong humagulgol sa iyak, ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko kayang makitang nahihirapan siya.
"Mahal na mahal kita, Hua. Huwag kang pipikit ha? Lumaban ka, hintayin natin..Hintayin natin 'yung ambulansya ha? "
"Mahal na mahal kita, Hua" pag-uulit ko.
Hindi siya nagsalita, ngunit isang ngiti ang namuo sa kanyang labi.
Hinawakan ko ang kanyang kamay "Ma..mahal..ki" Isang mahabang hininga ang kanyang pinakawalan matapos noon ay unti-unti sumara ang kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi na siya gumagalaw. Ramdam ko ang paglamig ng buong katawan ko, ang pag-akyat ng kaba at matinding nerbyos sa aking katawan.
"Hua! "
"Hua, gumising ka!"
" Huwag mo kong iwan, Hua!"
Panay ang hiyaw ko roon na gumising siya. Matapos ang ilang minuto ay narinig ko ang tunog ng Ambulansya kasunod ang pag dating ni Tita Verna.
"Anak?"
"Joshua, anak?"
Yakap-yakap niya Tita si Hua habang naghihinagpis sa sinapit ng kanyang anak. Nagpakawala si Tita ng sunod sunod na sigaw. Niyakap ko na lamang siya.
Please Hua, 'wag mo kaming iwan.
Kaagad na isinakay si Hua sa sasakyan ng Ambulansya. Sumakay na rin kami ni Tita.
Gigising siya...
Ayokong isipin na mawawala siya
Hindi niya 'ko iiwan....
"Hua, 'wag mo 'kong iwan...hindi ko kaya"
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki