✉Two ✉

212 36 0
                                        

Unang araw ng pasukan. Katulad pa rin ng dati, walang pinagbago, boring pa rin.

Kasama ko ang mga barkada ko na sina Niko, Ivan, Jin at si Michael. Tambay lang kami sa cafeteria dahil mas gusto namin ang ganito kaysa kilalanin ang mga teacher namin na teacher din naman namin last year. Hindi naman dahil sa repeater kami, sadyang nagre-reshuffle lang ang mga teacher sa school namin every year.

Minsan nga naiisip ko, bakit kailangan pang pumasok? Bakit kailangan pang mag-aral? Pero syempre kaysa alamin ang sagot sinakyan ko na lang ang araw-araw na pagpasok sa school. Wala rin naman kasi akong laban sa ''High Quality Education'' na pinaglalaban ng mga magulang ko. Sabi nga nila, mahirap ang walang pinag-aralan.

"Shit! Josh, ang ganda ng chickababe o! Panalo"

Nilingon ko ang tinuro ni Michael na ''chickababe'' daw.

"Wow" wala sa sarili kong sabi. Well, sexy siya, maganda at maputi. Hindi na masama.

"Score?"

"Nine" halos magkasabay na sabi ni Niko at Ivan.

"Ten" lapag naman ni Jin.

"Eight" sagot ko.

"Eight lang?"

"Kulang sa height e" iniba ko ang tingin ko.

Very high ang standard ko. Hindi ako nagii-stick sa High at Standard. Ako ang pinakamapili sa barkada namin. Ako lang ang may taste.

"Damn this girl, she's so hot. Umayos kayo" kanya-kanyang pa-pogi naman ang mga gago.

"Hi, miss" bati ni Ivan noong makalapit ito sa amin.

"Hello" Sagot ng babaeng mala-Angelina Jolie ang labi. Nakasuot siya ng med-tech uniform dala ang first-aid kit niya sa kanan. Wala pang ilang segundo ay nag-umpisa na ulit itong maglakad.

"Grabe, ang ganda ng boses niya" panggigigil na komento ni Michael.

"Ten" halos magkakasabay na score nila.

"Eight" sagot ko.

"Eight na naman?"

"Easy to get e" Iniba ko ulit ang tingin ko. Sabi ko nga, hindi ako nagii-stick sa High at Standard lang.

"Wengya! Guys, tumalikod kayo, much better umalis na tayo rito! Grabe ang isang 'to."

Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyo'ng tinutukoy ni Michael.

.
.
.
.
.

Love Joshua [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon