5 MONTHS AGO
"Ano bang problema mo!" sigaw niya sa'kin.
"Wala akong problema, tulala ka na naman kasi. Tsk, piling mo ang ganda mo pagnakatulala"
"Ano bang pakialam mo? " iritado niya akong inirapan.
Grabe, ang init naman ng ulo. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya. Medyo pumayat na siya at nawala na rin ang mga pimples niya, mas maganda na siya kumpara noon na...basta ayon nga, maganda na siya. Nakaka-bothered nga lang ang eyebags niya.
"Joshua. Huy!" Mahina niya akong itinulak. Saka ko lang din napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa kanya.
Pero maliban doon ay may isa pa 'kong napansin. Tama ba ang narinig ko? Totoo ba 'yon o ako lang 'to? Tinawag niya ba 'ko sa pangalan ko?
"Anong sabi mo?"
"Ha?" naguguluhang tanong niya.
"Paki-ulit 'yung sinabi mo"
"Na ano?"
"Tinawag mo ba 'ko sa pangalan ko? Sa gwapo kong pangalan?"
Hindi siya sumagot, nak ng- . Kuno't noo lamang niya akong tinitigan at halatang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
Sabi na nga ba at ako lang 'yon. Minsan talaga kung ano-ano na ang naririnig ko.
"Tsk, wala." tamad kong kinuha ang bag ko at akmang tatalikod na noong magsalita siya.
"Saan ka pupunta? "
"Magpapa-cute sa tabi-tabi " sabay ngisi ko. Inirapan naman niya 'ko. Natawa nalang ako sa reaksyon niya at nag-umpisang maglakad palayo.
Naglalakad kami ni Jin papunta sa susunod naming klase nang bigla siyang magsimula ng topic.
"Piling ko bro, inlove ako"
"Parang lagi naman e" sagot ko.
"Hindi bro, iba ngayon"
"Talaga? " walang gana kong sagot.
Alam ko naman kasing mahalay lang ang isip ng isang 'to. Pakiramdam niya, lagi siyang inlove kahit infatuation lang naman iyon.
"Hindi nga rin ako makapaniwala e. Dati naman kasi parang wala lang siya sa'kin pero ngayon Josh, pagnakikita ko siya, heaven e"
"Talaga?"
"Gusto ko nga sanang manligaw kaso hindi kami close"
"Talaga?"
"Oo. Minsan nga ay nagkasabay kami sa pagpasok, aayain ko sana siyang maglunch kaso, kinabahan ako e"
"Talaga?"
"At ito pa pare, ang dalas naming magka-eye to eye contact! Mata sa mata"
"Talaga?"
"Natuwa nga ako noong nag 'Hi' siya sa'kin, kaso bigla akong tinawag ni Nico kaya hindi na 'ko nakapag 'Hello' "
"Talaga?"
"Wala ka bang ibang magandang sasabihin kung hindi 'Talaga?' "
"Talaga? "
"Joshua!" Lumandas ang kamay niya sa balikat ko at inalog-alog iyon.
"Nakikinig ka ba?" Sinulyapan ko si Jin na iritado na ang mukha. Anong nangyari sa isang 'to?
"Ano 'yon? "
"Yung about sa crush ko"
"Ah oo, nakikinig ako. Grabe naman pala 'yung crush mo e, ang hot. Sayang lang at may sabit"
"Sabit?"
"Di ba nga, Si ano...sino na nga ulit 'yon, 'yung crush mong buntis?"
Madalas siyang mag-open ng ganitong topic, na kesyo buntis ang crush niya o hindi naman kaya ay may iba na.
"Hindi ka naman nakikinig e" dismayadong komento niya.
It's already 3:00 pm, kailangan ko nang umalis. Sigurado 'kong nasa gym na sila Sofia.
"Sorry dude, next time nalang! May pupuntahan pa 'ko e" paalam ko
"Basta good luck sa'yo at sa crush mo! " sabay takbo ko paakyat.
"May klase pa, bro!" Sigaw niya pero hindi ko na siya nilingon pa.
Kailangan kong mapanood ang performance ni Sofia sa MAPEH. Mas importante sa'kin 'yon kaysa pasukan ang klase ko sa Filipino.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki