"Hua, good morning!" masayang bati niya noong makasalubong ko siya sa corridor.
'Good morning?'
"Mukha nga" tipid na sagot ko.
Mukha ngang good ang morning mo.
"Aha, Ikwe-kwento ko na"
"I still have classes, pwede bang mamaya na lang " Ang totoo ay gusto kong marinig ang kwento niya pero may parte sa akin na ayaw iyong pakinggan.
"Hua, nagkita na kami. Inaya niya 'kong lumabas" napatingin ako sa kanya.
Sinong 'niya'?
Bakas ang kaligayahan sa kanyang maamong mukha. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kasaya. Iyong tipo ng saya na kahit kailan ay hindi ko yata na ibigay sa kanya.
Possible pa rin pala talagang masaktan kahit masaya naman 'yung taong mahal mo.
"Sa tingin ko dapat makilala mo na rin siya Hua, 'yung crush ko"
Ayoko nang marinig pa ang mga susunod niyang sasabihin. Isang pangalan na ayokong marinig. Kung dati ay halos mamatay ako, makilala ko lang siya, ngayon naman ay parang ikamamatay ko kung malalaman ko pa.
"Sofia, may gagawin pa-"
"Si Jin, si Jin 'yung crush ko. Si Jin na kaibigan mo"
Hindi ako kaagad nakakilos sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko ay literal akong ipinako sa pwesto ko. Parang isang galaw ko nalang ay game over na.
"Ang bait niya, Hua. Okay lang sa kanya kahit may feelings ako sa kanya, kahit na-"
Marahas kong sinuntok ang stainless na locker sa gilid ko. Naramdaman ko nalang ang pagkirot ng kamao ko.
I saw her expression, she's trembling with fear.
Naglakad ako ng mabilis paalis. Gusto kong lumayo muna kay Sofia dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at may masabi akong hindi maganda. Kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na pareho lang kaming masasaktan.
Sa klase ay nilapitan ako ni Michael. Panay ang kwento niya sa kung ano- anong bagay na nangyari sa kanila buong linggo. Hindi ko iyon pinakinggan.
Naka-focus lamang ang tingin ko kay Jin. Busy siya sa pakikipag-usap sa mga classmates namin noong magtama ang mga mata namin.
Kaagad akong kumalas sa titig na iyon. Hindi ko maipaliwanag ang inis at galit na nararamdam ko ngayon. Pakiramdam ko ay ipinamukha sa akin ng tadhana na imposible talagang maging kami ni Sofia. Pakiramdam ko ay tuluyan na akong tinalikuran ng mundo.
Pagkatapos ng klase namin ay mabilis akong naglakad palabas ng classroom. Nakita ko sa peripheral vision ko ang papalapit na si Jin sa pwesto ko.
"Bro, wala ka yata sa mood" Hindi ko na sana sasagutin pa si Jin pero kahit na ganoon ay pinilit ko pa ring harapin siya.
"Hindi naman" sagot ko.
"Yung tungkol sa... noong isang araw" I clenched my jaws. Not now, Jin.
"Tungkol sa..." Napatingin ako sa kanya.
"Tungkol saan?" Tanong ko. Hindi na maganda ang tonong lumalabas sa boses ko pero pinilit ko pa ring kumalma.
"Magpapatulong sana ako sa'yong manligaw e, tutal ay close mo naman siya"
Mariin kong ikinuyom ang kamao ko. Kinalma ko ang sarili ko at nakinig sa susunod niyang sasabihin.
"I'd like to court Sofia"
Hindi ko alam pero literal akong natawa sa konseptong ito. Gusto siya ni Sofia at gusto niya rin si Sofia. Tangina, ako pala ang kontrabida dito e!
"Nakakainggit ka nga bro e, sobrang close niyo sa isa't isa" Yumuko siya bago mag patuloy " Sa tingin ko, gusto niya rin ako, kaso hindi ko alam kung paano kami mag-uumpisa"
Ang galit na kanina ko pa pinipigilan ay mistulang kumawala na. Hindi ko mapigilan ang pait sa tono ng boses ko.
"Hindi ba dati lang ay halos mandiri ka sa kanya? Ni hindi mo nga siya nagawang ipagtanggol sa'kin noon e" Pumeke ako ng tawa ngunit ang mga mata ko ay matalim pa ring nakatitig sa kanya.
"Well, I don't find her attractive before. Nito nalang..."
Padabog kong ibinaba ang bag ko sa sahig at marahas na itinulak siya.
"E, gago ka pala e" Akmang susuntukin ko na siya noong pigilan ako nila Ivan.
Pilit kong kinalas ang mga kapit nila sa akin. Gusto kong sapakin si Jin hanggang sa mawala ang inis na nararamdaman ko. He don't deserve her. Fuck it!
"Ano bang problema mo?" tanong niya.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko, gago ka!"
"Lumayo ka muna Jin, saka nalang kayo mag-usap kapag nakapagpalamig na si Josh"
Pagkatapos iyon sabihin ni Nico ay inaya siya ni Ivan na umalis. Kahit malayo na ito ay hindi ko pa rin kinakalas ang matalim kong titig sa kanya.
Attractive pala ha. Is it what his thinking all along? Tangina.
"Ano ba'ng problema, Josh?" tanong ni Nico habang kinakalma nila ako ni Michael.
Sa halip na sabihin sa kanila ang lahat ng hinanakit ko ay mas pinili ko nalang na kimkimin ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayoko rin namang idamay sila sa away namin ni Jin.
Naglakad ako paalis. Mabuti nalang ay hindi na rin nila ako pinilit sundan pa. Gusto ko munang mapag-isa.
Alam ko naman na wala ako sa posisyon para magalit kay Jin. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilang hindi masaktan. Kahit sa simula pa lang ay alam ko na na wala kami sa iisang pahina ng libro, na hindi kami pareho ng nararamdaman ay nag-try pa rin ako.
Mali ba itong ginagawa ko? Am I crossing the line, Am I being too much? then why does it hurts so bad?
-
Pauwi na ako noong makasalubong ko si Sofia, para siyang takot na takot. May parte sa akin na gusto siyang lapitan at kausapin pero may parte rin sa akin na gusto na lang umalis at maglaho sa mundo.
"Hua" Kahit ang pagtawag niya sa pangalan ko ay nasasaktan ako.
I walked straight without even looking at her. I need a break. Sobrang gulo na ng isip ko. Sobrang sakit na.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomansaC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)