DISCIPLINARY OFFICE
"You again, Mr. Dela Rosa?"
"No choice e" umupo ako sa katapat na upuan.
"Mr. Dela Rosa, you have 26 violations including this in just 3 months, 3 months!
"Hindi naman kasi violation ang tawag do'n. Masyado lang judgemental ang President niyo"
Nakatayo lang si Sofia sa gilid habang nakaupo ako kausap ang nakaupo ring si Mrs. Pascual, ang head ng committee.
"No, Mr. Dela Rosa. Paano mo maipapaliwanag ang mga violations mo? Here. Ms. Alvarez, read this folder"
Ini-abot niya ang folder kay Sofia.
"9 times of bullying 6 times of cutting 3 times of-"
"Excuse me, Mrs. Pascual. Hindi ba nakakapagtaka ang mga records ko? 26 violations in just three months"
"What do you mean, Mr.Dela Rosa?"
"May mga pagkakataon na wala naman akong ginagawang masama pero dinadaan lagi ng President niyo sa ganitong sitwasyon"
"Malinaw ang mga records mo, maging ang mga rason ay reasonable and-" kontra ni Sofia pero pinutol ko ang sinasabi niya.
" Hindi ba mas malinaw na pinag-iinitan ako ng President niyo dahil sa first record ko? Konti na nga lang ay iisipin ko nang ginagamit niya lang ang posisyon niya."
"Excuse me Mrs.Pascual" paalam niya kay Mrs. Pascual "Hoy Mr. Dela Rosa, Hindi ko ginagamit ang posisyon ko para lang makaganti sa mga kalokohan mo. I just need to do all my responsibilities as the President of this Committee. Nothing personal, Mr.Dela Rosa"
"Talaga lang ha? Kaya pala ang dami ng records ko. Wow Ms.President, wow. Just wow! "
"Wow talaga Mr.Dela Rosa. Ginagawa ko lang ang trabaho ko, kaya kung gusto mong 'wag nang madagdagan ang records mo, gawin mo ang responsibilidad mo bilang studyante. Dapat nga ay matagal ka nang wala sa eskwelahang ito. "
"Mr. Dela Rosa, sinabi mo na baka pinag-iinitan ka ni Ms. Alvarez dahil sa first record mo, hindi ba? " tumango ako "Pero bakit puro si Ms. Alvarez ang binibiktima mo sa mga nakasulat rito, sa kanya lahat patungkol ang mga violations mo"
"Nagkataon lang iyon Ma'am, konting galaw ko lang kasi ay bullying na para sa kanya. Your President is totally unbelievable!"
"Ipinahiya mo siya sa harap ng maraming tao, pinuno mo ng basura ang bag niya, sinadya mong tamaan siya ng bola sa mukha, nilagyan mo ng powder ang upuan niya, nilagyan mo rin ng harina ang locker niya, binasa mo siya last month"
"Those were accident " mariin kong sabi.
"Ikinulong mo siya sa C.R last week, itinago mo ang project niya, sinulatan mo ang lahat ng pages ng notebooks niya at marami pang iba. Now tell me, Mr.Dela Rosa. Accident pa rin ba iyon?"
"You don't understand, Ma'am "
Ang childish pero totoo, ginawa ko nga ang mga iyon. Pero kahit naman gano'n ay hindi ko pinabayaan si Sofia. Bumabawi rin naman ako kaagad, hindi ko rin naman kayang tiisin siya at makita siyang nahihirapan.
Napahawak si Mrs. Pascual sa sentido niya at minasahe ito.
"Ako na pong bahala Ma'am. Mr. Dela Rosa, let's go!" Ma-otoridad na utos nito.
Iyan lang naman ang hinihintay ko e. Sandaling panahon na kasama ka, Sofia.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)