Ipagdasal mo na lang na sana ay hindi ka lokohin ni Jin dahil kapag ginawa niya 'yon, kakalimutan kong kaibigan ko siya at baka mapatay ko pa ang loko... Hahaha, biro lang. Mabuti nga at naisayaw kita kagabi, isang simpleng sayaw pero ang lakas ng impact sa'kin. Habang isinusulat ko nga ito, iniisip ko kung paano kita kakalimutan at kung kakayanin ko ba. Pa'no kaya ako sa mga susunod na araw? at sa mga susunod pa? Hindi naman kita literal na kakalimutan, 'yung feelings ko lang sa'yo dahil kaibigan lang ang "place" na nakuha ko. Hindi naman kasi ito isang laro na kapag naipanalo ko ikaw ang premyo ko. Huwag mo sana 'kong kakalimutan, Sofia. Lagi lang akong nasa tabi mo, masaya man o malungkot, may problema man o wala, nandito lang ako...Nagmamahal sa'yo.
Mahal na mahal kita, Sofia.
Hanggang dito na lang. Magkita na lang tayo sa school. Miss na nga pala kita. ^_^
PS. I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but...
LOVE JOSHUA
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
Storie d'amoreC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)