Sabado ngayon, balak ko sanang ibigay 'tong letter na 'to kay Sofia saka itong kwintas na pinalagyan ko ng pangalan niya.
Ipinaalam ko na rin naman ito kay Jin, sabi niya okay lang sa kanya. Nakuha pa niyang payuhan ako para daw maka move on na 'ko. Gago talaga ang isang 'yon.
Ginawa ko 'tong letter kaninang madaling araw. Maaga akong nagising kaya naman naisipan kong sumulat.
Nag-drive ako papunta kila Sofia. Noong makarating ako ay bumaba ako para mag doorbell, agad naman akong pinagbuksan ni Tita.
"Magandang umaga, Tita" saka ako nagmano sa kanya.
Mukhang wala si Tito.
"Maganda umaga rin, napadaan ka?"
"Ah Tita, nasa loob po ba si Sofia?" anong ko.
"Ay, kaaalis lang may lakad 'ata siya"
Siguro kasama niya si Jin. Saan naman kaya nagpunta 'yung dalawang 'yon?
Naiisip ko na lang tuloy na ipaabot ang mga ito kay Tita. Noong una ay nahihiya pa akong iabot ito, paano ba naman kasi romantikong-romantiko ang dating ko rito. May hawak lang naman akong white rose at love letter—I mean, letter.
"Gano'n po ba. Sige po Tita, pakibigay na lang po ito kay Sofia, pakisabi na rin po nagpunta po ako"
"O sige, sasabihin ko"
"Salamat po, Tita"
Naalala ko na mahilig pala sa doughnut si Sofia kaya bago ako umuwi ay dumaan muna 'ko sa Shop kung saan nakakabili nito.
Habang nag da-drive ako ay napatingin ako sa front seat.
Naku naman ,nakalimutan ko pa lang ibigay 'to kay Sofia.
Isang maliit na box 'yon na may lamang kwintas. Ito 'yung kwintas na pinalagyan ko ng pangalan niya.
Ipinark ko sa gilid ang kotse ko at mabilis na bumaba at pumasok sa loob ng Shop. Medyo maraming tao ngayon dahil weekend.
Marami din akong nakasalubong na classmates namin kaya hindi ako nakaiwas sa huntahan.
Ang kukulit nila, 'yung iba may problema, 'yung iba naman ay may kanya kanyang bisyo'ng inaatupag. Naisip ko tuloy, medyo matagal naring hindi kami gumagala ng barkada.
Hindi rin naman sila nagtagal kaya dumiretso na 'ko sa loob para bumili ng doughnut. Isang box na ang binili ko.
Magkikita naman kami mamaya kaya mamaya ko na lang ito ibibigay kasabay ng kwintas, isa pa may ref naman sa bahay.
BINABASA MO ANG
Love Joshua [COMPLETED]
RomanceC O M P L E T E D - Short Story I made this letter longer since I have so much to say, I haven't had the time to make it shorter but... LOVE JOSHUA Bookitokki
![Love Joshua [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/62271078-64-k838465.jpg)