Chapter 2

181 7 0
                                    

"Louise, anak... ano bang plano ni Kristoff sa relasyon niyo?" tanong saken ni mommy.


"Mom... mag-aaral na daw po siya ngayong sem." paliwanag ko.


"Sus! Mag-aaral. Alam mo Louise kung mag-aaral siya noon pa! Eh nakatapos ka na't lahat lahat at 3 years ka nang nagtatrabaho pero siya ganyan pa din. May nangyari ba?" sabi naman ni Kuya Liam


"Kuya, mahirap kasi ang buhay ngayon. Parang hindi mo naman alam. Saka siya yung nagpapa-aral sa bunso niyang kapatid di ba?"


"Oo nga pero sana naiisip naman niya yung status niyo. Pwede naman siyang mag-aral habang nagtatrabaho di ba? Saka anong ginagawa ng side ng daddy niya? ano? Forever nalang silang mag-mamataas sa mga yun? Pakisabi nga dyan sa jowa mo... tumatanda na kayo." Dagdag pa niya.


"Kuya naman! 22 palang ako at 23 palang siya." katwiran ko.


"Sige! Sige! Mangatwiran pa!" sabi niya ulit  sabay kurot sa kanang braso ko.


"Aray. Kuya naman eh."


"Liam! Tigilan mo na si Louise." Awat ni mommy.


"Sige kampihan niyo! Kaya lumalaking ganyan eh. Bahala na nga kayo! Hayaan niyong dumating ang panahon na kapag mag-asawa na sila... aasa lang yang lalaking yan sa bunso niyo." Sabi pa ni kuya tas sabay labas ng bahay. Tinignan naman ako ni mommy.


"Anak, tama naman ang Kuya mo eh. Gusto lang namin na mapabuti kayo ni Kristoff. May tiwala na kami sa kanya pagdating sayo kaya sana... i-consider mo din yung opinion namin." Sabi ni mommy tas iniwan na din niya ako sa sala.


Does it really matters?


Di ba mas importante yung nararamdaman niyo pag nagpakasal kayo kesa sa kung ano yung naabot niyo?


The next day, nagkita kami ni Kristoff...


"Babe, ang cute nung bata oh. Gusto ko, kapag nagka-anak tayo... ganyan din kacute." Sabi niya saken.


"Babe, sure na ba yung pag-aaral mo this sem?" nagulat ata siya sa tanong ko. Ni hindi man lang ako nagreact sa sinabi niya.


"Bakit mo naman natanong?"


"Wala lang... kasi tumatakbo yung oras. Baka hindi ka na naman makahabol."


"Makakahabol ako niyan. Tiwala lang. Basta ang mahalaga ngayon... mahal natin ang isa't isa."


"Alam ko pero, babe..."


"Nagugutom ako. Tara kain tayo."


"May pera ka ba?"


"May 200 pa ko. Kasya na to."


"Wag na tayo kumaen. Busog pa naman ako eh."


"Sus. Wag mong isipin yung pang gastos ko, okay? Tara na." hinila niya ako at kumaen kami.


Mahal na mahal ko si Kristoff at lahat kaya kong tiisin para sa kanya. Siya lang yung lalakeng gusto kong makasama habang buhay.


After naming kumaen, hinatid niya ko sa office for the first time.


Pag-alis niya, nilapitan agad ako ni Jane, cousin ko. Sila yung may ari ng publishing company na pinagtatrabahuhan ko.


"Cous, ang hot ng boyfriend mo ah? Hindi mo pa siya napapakilala saken. Ilang taon na kayo? Saka anong trabaho niya?" Intriga ni Jane.


"Uhm... 6 years na kami last month. Mag-aaral palang ulit siya eh. Nagstop siya 5 years ago. Dapat nakagraduate na din siya." Sagot ko tas parang nagulat siya.


"Ay ganun? Ang tagal niyo na din pala. Naku, mag-isip isip ka na cous kasi... baka mamaya, biglang mangyari ang hindi dapat mangyari... nako ka... be practical. Mahirap ang buhay ngayon." Pati ba naman siya?


"Hindi naman namin ginagawa yun eh." depensa ko.


"Kahit na. hindi mo masasabi noh! Malay mo. Ikaw din ang mahihirapan. Ikaw na manganganak... sayo pa i-aasa yung gastusin."


"Hindi naman siguro." Depensa ko ulit.


"Basta cous, take that into consideration. Mahirap ang buhay may-asawa. Tignan mo ko. Mabuti nalang at  mayaman ang nakabuntis sa akin pero kahit na. Mas doble pa din ang hirap nating mga babae. Lalo ka na! hindi ka pa naman maasahan  sa gawaing bahay. Balita ko kay Tita, ni hindi ka marunong magsaing." She's so blunt! That's why I hate her.


"Napakachismosa mo talaga noh?"


"Well, sige na nga. Marami pa kong tatrabahuhin. Bye cous." dagdag pa niya tas lumayas na siya sa table ko.


Manang mana siya kay Kuya Liam. Nakakaasar!


But if you must dig deeper, I guess I should take that into consideration.

I have to be practical these days pero mahal ko siya...


anong gagawin ko?


**soon**

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon