Marcus' POV
October 27, the day that will change everything.
Nakakakaba.
Ilang oras nalang at magkakaron na ko ng asawa.
Asawa na hindi ko kilala.
Asawa na hindi ko mahal.
Kahit palabas lang tong kasalan na to... kinakabahan pa din ako. Syempre noh! Ngayon lang ako nagsinungaling ng ganito kabongga. Haha! Kidding aside, alam ko naman na pagtapos nito... tapos na din ang lahat.
Bakit?
Siyempre palabas nga lang di ba? May rules kaya tong deal na to!
1. Magiging mag-asawa lang kami sa PAPEL.
2. Hindi magsasama sa iisang bahay.
3. NO KISS.
4. NO TOUCH.
5. Hindi kami mangengelam sa affair ng bawat isa.
Parang ang hirap naman nung #3? Pano yun kapag 'you may now kiss the bride' na? haha! Yun pa pinrublema ko noh? As if naman na gusto ko siyang halikan.
Anyway, bago ang kasal... sa hotel kami nagstay kasama yung family ko at family niya.
Hindi kami magkasama ng kwarto kasi sabi nila bawal daw magkita ang mga ikakasal bago yung kasal nila. Ang arte nila... eh pagtapos naman ng kasal na to hindi na kami magkikita pa.
Garden wedding ang napagplanuhan. Doon na din ang reception. White ang suit ko at nude color naman yung gown niya. Simple lang pinagawa niya kasi isang beses lang naman daw gagamitin. Yung motif namin ay pastel colors.
Handa na ang lahat. Yung mga celebrity friends ko na ininvite ko ay dumating na din.
Pinanatili naming sikreto ang lahat. Hindi naman sila sabay sabay dumating dito sa Philippines eh kaya wala naman sigurong makakahalata nun.
While fixing myself...
"Congratulations!!" sabay sabay na bati ng mga kabanda ko. Napalingon ako sa kanila habang nag-aayos ng necktie ko.
"Bro! kayo pala." Niyakap nila ako isa isa.
"Grabe ka! Inunahan mo pa ako!" sabi ng leader namin na si Johnny Choi.
"Ganun talaga!" sagot ko tas binatukan niya ko. "Aray ha."
"Una-unahan lang yan, bro!" sabi naman ng drummer namin na si Martin Choi.
"Anyway bro, ang ganda pala ng mapapangasawa mo noh? You're so lucky!" sabat naman ni Justin Lee, bass guitarist namin. Napaisip ako sa sinabi niya kaya napahinto ako sa pag-aayos ng tie ko.
"Yeah. She's pretty." Sagot ko tas napangiti ako out-of-the-blue.
"Ayyyyy! May pag ngiti oh!" sigaw ni Simon Song, rapper namin.
"Tss." Sagot ko tas tinuloy ko na yung pag-aayos ng tie.
"Yan ang in love!" singit ulit ni Justin.
"In love ka dyan!" defense ko.
"Deny pa!" sabat ni Johnny tas binatukan na naman ako.
"Aray leader ha! Kanina ka pa! mahirap kaya ayusin yung buhok ko!" sabi ko kay Johnny.
"Oo nga Hyung, nagpapagwapo siya eh! ikaw naman!" Sabi ni Martin tas nagtawanan na lahat.
"But in all fairness, mas feel ko yung kaba mo ngayon kesa nung sa reality show niyo ni Sunny. Bro, ikakasal ka na talaga." Dagdag pa ni Johnny.
"Ewan ko sayo." Sagot ko.
"Pano bro? una na kami sa baba ah. Bilisan mo! Baka magbago isip ng bride mo." Sabi ni Simon tas niyaya na niya yung tatlo.
"Sige bro, sunod na ko." bumaba na sila tas tinapos ko na yung ginagawa ko.
Ilang minuto lang din ay bumaba na ko. Sa ibaba lang kasi yung garden na pag gaganapan. Hapon nga pala ang kasal at 4:50 na sa relo ko.
Ang dami nang tao. Ang ganda ng atmosphere. Parang totoo ang lahat. I mean, parang akala mo... ginagawa namin to kasi mahal namin ang isa't isa.
Nagsimula na yung ceremony. My fountain sa gitna kaya isa isa yung pasok namin.
Flower girls. Ring bearer. Mga abay. Best man. Ako. Bride's maid. Mommy ni Louise at...
Biglang namatay ang ilaw.
Luh? Blackout???
Tas maya maya, umiilaw yung paligid kung saan siya naglalakad.
Nice.
Grand entra-
She's slowly walking towards me in her simple wedding gown.
And as she walk towards me...
My heart beats fast.
Ottokeh? Ottokaji?
She smiled.
"Aray." Bulong ko kasi tinulak ako ni Johnny na best man ko. Lumingon ako sa kanya tas sinisenyasan niya ko na maglink arms kami ni Louise.
Saka ko lang narealize na... ikakasal nga pala kami ngayon.
I asked for her hand at pumunta na kami sa altar.
To be continued...

BINABASA MO ANG
You
Fiksi PenggemarWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...