"Oo na Luke! Hihiwalayan na kita kung yan ang gusto mo! Wag mo lang akong pag-isipan nananlalalake ako! Utang na loob."
"Yan naman gusto mo dati pa di ba? Ang hiwalayan ako para makapagsama na kayo ng lalake mo."
Haay. Nag-aaway na naman sila Kuya Luke at yung asawa niyang si Ate Riza.
Hindi ba sila nagsasawa?
Halos araw araw na ata ng buhay nila eh nag-aaway sila dahil sa issue na may lalaki si Ate Riza. To think na 10 years na silang kasal at ganyan pa din sila.
Tsk. Tsk. Ang aga kasi nilang nag-asawa eh. 15 palang ata sila Kuya nun nung mabuntis niya si Ate Riza.
Mga kabataan talaga masyadong mapupusok lalo na kung walang sapat na gabay ng magulang.
Ginagabayan naman ni Mommy si Kuya pero dahil wala na si Daddy, hindi din niya nagawa ng sapat yung responsibilidad niya para kay Kuya Luke tas becky pa yung panganay namin kaya ayun...
Nag-asawa si Kuya Luke ng maaga.
Kaya si Mommy at yung panganay kong Kuya (si Kuya Liam na isa palang Ate) ay todo ang pag-iingat sa akin.
Pero, minsan na din akong sumuway sa kanila...
Yun ay nung makilala ko si Lawrence, first boyfriend ko.
Nagalit sila pero di din nagtagal ay tinanggap din nila kaso nga lang... di rin nagtagal eh iniwan ako nitong mabait na lalaki na to. Kaya si ako? ayun EMO!
Sabi ko makikinig na ko kina Mommy at Kuya eh kaso after 5 months nakilala ko naman si Kristoff. Ayun nainlab na naman ang puso ko.
Nalaman ulit nila pero ganun ulit. Tinanggap nila at hanggang ngayon... kami pa din.
Mga 6 years and counting na kami :)
Malaki ang takot nila na baka magaya ako kay Kuya Luke lalo na't babae ako. Kaya kapag umaalis kami ni Kristoff, palagi nilang iniisip na baka may ginagawa kaming milagro. Hindi man nila sabihin pero the way na tinatanong nila ako yung tipong...
"San kayo galing?"
"Anong ginawa niyo?"
"Sino pang kasama niyo?"
"Sigurado ka?"
Haay nakakasawa.
Simula nung 16 ako, ganyan na sila magtanong. Hindi ko alam kung sadyang wala lang talaga silang tiwala samen eh.
Hindi ako guilty kasi sa loob ng 6 years namin, WALA TALAGANG NANGYARI.
Oo, niyaya niya ako pero muntik na kaming maghiwalay dahil dun kaya hindi na niya inulit yun.
Anyway, ako nga pala si Louise Rue Madrigal, 22, youngest child in the family, e-Learning Specialist, Foreign Language Student, and 6 years in a relationship with Kristoff Arevalo.
Sabi ko nga, bunso ako at ang panganay namin na si Kuya Liam ay isa ng Medical Doctor kaya mataas ang standards niyan sa buhay. Si Kuya Luke, hindi na nakatapos ng high school dahil nag-asawa ng maaga at may tatlong anak na sila ni Ate Riza. Si Daddy namatay nung 6 palang ako at si Mommy, siya yung nagpapalakad ng Restaurant Business na iniwan ni dad sa amin.
After ko makagraduate ng college, wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama si Kristoff at bumuo ng isang masayang pamilya.
Pero will my dream come true kaya kung para sa iba...
ang basehan ng pag-aasawa ay ang...
educational attainment?
**soon**
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...