Louise's POV
Tinanong niya ko kung mahal ko pa si Kristoff.
Ayokong sabihing OO.
Ayoko ding sabihing HINDI.
Kasi hindi ko alam. Naguguluhan ako.
After ng pagkikita namin ni Kristoff... hindi pa din niya ako tinantanan.
Kinukulit niya ko para magkausap kami.
Natapos ang sem at hindi pa din umaalis si Kristoff sa Seoul.
Umalis ng bansa si Marcus para sa release ng book niya sa Japan pero available na rin yun dito sa Korea kaya pumunta ako sa pinakamalapit na book store para bumili nun.
Then nakasalubong ko si Kristoff. Hindi ko pa din siya natiis. Kinausap ko na siya at nagpunta kami sa isang coffee shop.
"Why you're still here? Baka nag-aalala na yung girlfriend mo sayo."
"Louise, alam mong ikaw yung mahal ko."
"Pero may-asawa na ako."
"Mahal mo pa rin naman ako di ba?"
"Kristoff..." I insist then he gave me a doubtful look.
"Huh... your husband is so intriguing. Kilala ko ba siya?" nagulat ako sa tanong niya.
"You don't have to know him at hindi siya ang dahilan."
"Why not? You may not admit that you love him na but your action speaks louder than your words. I never felt this kind of doubt sa pagmamahal mo saken pwera nalang kung mahal mo na nga yung asawa mo o kasama sa usapan si Marcus." Natahimik ako sa sinabi niya. I know he's trying to catch me. "So, it's not your husband? You still like Marcus that much na kahit lokohin mo ang asawa mo eh nagagawa mo na?"
"Stop it. Hindi pwedeng maging si Marcus ang dahilan."
"Why not again? Ang pagpila mo ba sa bookstore at bumili ng libro niya ay hindi nangangahulugang gusto mo pa din siya?"
"I said stop it. Ibang usapan na yun. You know I'm a big fan of him kaya ako bumli nito."
"Bakit nung nakita natin sila last time... hindi mo siya kinausap? Hindi ka man lang nag 'hi' or whatnot. Samantalang noon, kahit alam kong imposible... nagseselos pa din ako kasi mas nakikita kong kinikilig ka sa kanya kesa saken at gagawin mo talaga lahat para lang makita siya ng harapan. How much more ngayon na mas malapit ka na sa kanya? Still impossible pero malay natin di ba?" he's so matanong. Nakakainis.
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...