Marcus' POV
9PM na natapos yung kasal then after nun, dumiretso ako sa ospital para kamustahin si Kristoff.
Sabi ng mga doctor... kailangan niyang ma-operahan ulit para mabuhay siya.
I need to help him dahil yun yung pinangako ko sa asawa ko... ang tulungang mabuhay si Kristoff. Tss.
Pagtapos kong magwidthraw at magpaschedule ang second operation niya... bumalik na ako sa hotel.
I told the doctors pala to inform me kapag may progress kay Kristoff.
Pagbalik ko sa hotel... hindi pa tulog si Louise. Nilapitan ko siya sa kama since nakaupo siya sa doon.
"He'll be fine. You better rest na kasi bukas maaga pa tayo. Matulog ka na sa kama... dito na ako sa sofa."
"Thank you." nagsmile ako tas tumalikod pero nagulat ako sa ginawa niya.
"What are you doing?" tanong ko kasi nakaback hug siya saken.
"Hindi ko alam yung gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." sabi niya tas biglang may nagbukas ng pinto...
"Ay sorry! Nakakastorbo ata kami, bro." sigaw ni Martin.
Napabitiw si Louise sa pagkakayakap niya saken. Hala namula siya oh! Haha! Tumingin ulit ako kina Martin.
"Hindi bro, ano ba yun?" tanong ko tas pumasok sila sa room dala dala ang isang box para sa...??
"Iaabot lang sana namin sayo to, bro." sabi ni Johnny sabay abot ni Justin ng box. Kinuha ko naman.
"Ano to?" tanong ko... hinila ako ni Simon palayo kay Louise at bumulong...
"Pampagana yan bro. makakatulong yan sayo para makabuo ka agad!" nagulat ako sa binulong niya kaya napatingin ako sa kanilang apat.
"Mwo?! Tigilan niyo ko ah." Sabi ko tas nagtawanan sila with matching apiran pa. Mga baliw!
"Sige na. bye! Good night, Louise!" sabay sabay nilang sabi tas lumabas na sila.
Napatingin ako kay Louise at mukhang nagtataka siya kung ano yung binigay sa akin. Nako! Wag ka na magtanong utang na loob!
"Ano daw yan?" tsk! Sabi nang wag magtanong eh! Hindi mo to magugustuhan!!
"Wala to. Nagtitrip lang yung mga yun." Sabi ko tas nagmadali akong pumunta sa CR para itapon yung binigay nila.
Mga loko loko talaga yun! Pampagana daw. Haay! Nakakastress naman tong gabi na to! Bakit pa kasi pinagsama kami sa isang kwarto eh! Pwede namang magkahiwalay gaya ng kagabi. Josko!
Paglabas ko ng CR, nakahiga na si Louise sa kama... tulog na ata... whew!
Pumwesto na ko sa sofa nang bigla akong tawagin ni Louise.
"Marcus." Napalingon ako agad. Josko! Nakalingerie nga pala ang loka!
"O-oh? B-bakit?"
"Okay ka lang ba dyan?" ano daw? Niyayaya niya ba ko sa tabi niya???
"Huh? Hindi... hindi nga eh... maliit kasi yung sofa."
"Dito ka nalang oh..." ano daw? Niyayaya niya nga ako? Siryoso?? "Sa sahig. Ito may comforter pa. Gamitin mo para hindi masaktan yung likod mo."
"Ah?" tss. Yun pala yun! Hmp!
Nadisappoint? Hahaha! Hindi noh! Feeling kayo!
Natulog na kami at maaga akong nag-alarm para hindi nila maabutan yung set-up namin.
Kinabukasan, nauna nga akong magising at umupo ako sa kama saka pinagmasdan ko si Louise habang natutulog siya...
"Maswerte si Kristoff sayo." Bulong ko tas may biglang nagbukas ng pinto... napatayo ako bigla sa pagpasok niya.
"Oooppss... nakakastorbo ba ko?" sabi ng kuya niyang Doctor.
"Huh? Uhm... no... it's okay."
"Anyway, she seems sleeping comfortably. I'm not going to wake her up anymore. Just tell her to call us when you arrived in Korea. You take care of her, okay? Mom, Luke and I have a lot of things to do so we're going ahead." Bilin niya.
"A'right. Take care too." Sabi ko tas umalis na siya.
Naligo muna ako tas paglabas ko ng CR... gising na siya. Sinabihan ko siya na mag prepare na kasi maaga ang flight namin. Sinabi ko na din yung bilin ng kuya niya.
Lumipad na kami pa-Korea pero magkahiwalay kaming lumabas ng airport para iwas issue. Ibang kotse din ang ginamit ko. Dumiretso muna kami sa bahay nila mom at dad then nagpalakad ako ng papers sa City Registrar para makapagparehistro kami.
Naipaayos ko na din pala yung dual citizenship niya kaya madaling naproseso yung papeles namin.
Mabuti nalang at pwedeng hindi na kami sumama para iwas chismis. Pirma lang at importanteng ID's ang kailangan.
After maayos ng papers namin, dumiretso na kami sa airport para ihatid siya sa SG pero hindi na siya nagpahatid.
Tapos naman na daw yung trabaho niya saken kaya hindi ko na siya kailangang ihatid doon. Saka baka lalo lang magka issue.
Hindi ko alam pero nung lumipad na yung eroplanong sinasakyan niya... bigla akong nalungkot at napaisip...
Dito na nga ba magtatapos ang lahat?
*soon*
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...