So this is it.
I need to do this for the sake of my career.
Sana lang tama yung naging desisyon ko na pakasalan siya.
Well, bakit nga ba ako natatakot? Hindi naman kami magpapakasal dahil mahal namin ang isa't isa eh. Gagawin lang namin to kasi tinulungan ko siya at tinulungan niya ko pero...
Sino ba talaga yung lalaki na yun?
Bakit kailangan niyang magsakripisyo ng ganito para lang sa kanya?
Hindi naman kami magkakilala pero napapayag ko siya na pakasalan ako nang dahil lang sa lalaking yun.
Teka? Bakit nga ba ko nangengelam sa kanya? Kasama sa deal namin na hindi kami mangengelam sa buhay ng isa't isa di ba? Oo tama.
Haaay! Kinakabahan ako. Isang malaking announcement ang gagawin ko para lang sa palabas na to.
Siyempre para maging makatotohanan... iinvite ko yung mga taong malapit sa akin. Para naman hindi mahalata nila omma at appa (mama at papa) na kasinungalingan lang ang lahat ng ito.
Bumalik na ako sa Korea the day after. Siguro nagtataka kayo kung bakit ako nasa SG noh?
Actually, nagpunta lang ako dun kasi masyado ng magulo ang isip ko kakaisip sa gustong mangyari ng mga magulang ko. Hindi ko din naman inaasahan na dito ko makukuha ang sagot sa mga tanong ko.
Anyhow, bumalik na nga ako at una kong pinuntahan ang mga magulang ko.
"Mom... Dad..." bati ko sa kanila.
"Marcus! Good thing you came back! Where did you go, son?" sabi ni mommy tas niyakap niya ako ng mahigpit.
"We've been looking for you since last week. Saan ka ba nagpunta? And... what happened to your arm?" tanong naman ni daddy.
"Pwede bang maupo muna tayo?" nagtinginan sila at umupo na kami sa sofa.
"Mom, Dad... I'm going to get married next week."
"MWO???!" sabay nilang sigaw.
Tamoto? Dati pinipilit akong magpakasal... ngayong magpapakasal na ko... ANO daw? Haaay.
"I'm getting married next week." Ulit ko.
"How? Wala ka namang girlfriends di ba? Sinong papakasalan mo?" tanong ni daddy.
"And! Yun ba yung Japanese actress na pinakasalan mo sa reality show?" sabat naman ni mommy.
"Mom, dad... I'm sorry for keeping this a secret for a long time. I had a foreign friend. She's a Filipina and we met in the Philippines last two years ago when we had our concert there. We're seeing each other for a year and she really captures my heart. The moment you asked me to get married soon makes me realized that I want to share my vows with her. She's a very special girl to me." Palusot ko then nakita kong nakasmile si mommy at paniwalang paniwala naman si daddy. YES!
"Why did you hide it from us?" tanong ni mommy.
"I was so afraid before."
"Well, son... don't let her go. You have our blessings." Sabi naman ni daddy.
"We're not going to send you to U.S. anymore and I hope we can meet her before the wedding so we may bless her too." Masayang sabi ni mommy.
"Dadating siya sa Sunday."
"We're very much excited to meet her." Sabi ulit ni mommy
"We planned to have the wedding in the Philippines."
"It's okay with us. As long as you two are happy." Sabi ni daddy.
After kong makipag-usap sa kanila, kumaen kami sa labas. Mineet namin yung younger sister ko at kinuwento ni mama ang lahat. Excited na din siya na makilala si Louise.
Pagtapos naming kumaen, dumiretso ako sa dorm ng band para i-announce sa kanila ang lahat.
Gulat na gulat din sila at hindi sila makapaniwalang may girlfriend Filipina na tinago sa loob ng matagal na panahon. To think na kasali pa ako sa reality show na 'We Got Married.'
Natutuwa ako sa mga reactions nila. Paniwalang paniwala talaga sila.
Invited and buong banda kasama na siyempre si manager. Kasama din ang piling kaibigan kong celebrities.
Sabi ko, private ang wedding namin kaya dapat hindi ito makarating sa media. Ayoko din namang pagkaguluhan nila si Louise lalo na't palabas lang ang lahat ng to. Ayokong guluhin yung tahimik niyang buhay.
Tinawagan ko siya at sabi ko, iinvite ko siya sa Korea para mameet na siya ng pamilya ko. Friday ngayon kaya Sunday ang dating niya dito.
Sinabi ko din na kasama ang buong pamilya niya at mga malalapit niyang kaibigan.
Oo lang siya ng oo. Wala pa din siya sa mood.
Tama pa ba tong ginagawa namin?
*soon*

BINABASA MO ANG
You
Fiksi PenggemarWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...