Chapter 13

117 6 2
                                    

Marcus' POV


One month after... December na.


Gaya nga ng sabi niya, baka magkaron ng issue dahil sa pagpapalakad ko ng papeles. Though hindi kami sumama, marami paring nakakaalam na yung taong nag-ayos ng papers namin ay yung Attorney ng pamilya namin.


Ayun!


Hindi nga siya nagkamali. Nagkaissue nga pero nung tinawagan ko siya... ang sabi niya lang saken, as long na hindi naman siya nakita ng mga tao na kasama ako... wala akong dapat ikatakot. Keep calm and shut up nalang daw ako.


Baliw talaga yun.


Anyway, nagpatuloy ako sa pagtatrabaho bilang artist sa Korea. Mas dumami yung offers sa akin ng mga producers. Louise is such a blessing to me.


I can still remember her vows... siguro mas maganda kung totoo yun noh?


Teka? Bakit ko ba naiisip yun?


Erase erase.


Back to reality, bukod sa marami akong offers, marami din akong issue na kinaharap.


I need to shut up for the sake of Louise.


Nangako ako na hindi ko siya idadamay sa mga issues ko as KPOP artist.


But the issues are getting closer to reality...


Nagsimula ang lahat sa blind item na may isang band vocalist na nagparegister ng marriage license sa City Registrar.


Nasundan ng may isang band vocalist na cheater. Na after accepting the challenge in 'We Got Married,' nagpakasal na agad sa iba.


Tas may isang band vocalist na nagpakasal sa isang common girl.


At may isang band vocalist na tinatago ang katotohanan na kinasal na nga siya. Na ginamit niya lang yung 'We Got Married' para hindi maisip ng mga tao yung pagpapakasal niya.


Nakakabobo.


Pero kailangan kong manahimik para sa kanya.


At gaya ng napag-usapan, hindi na kami magkikita pang muli.


Sa totoo lang hinahanap siya nila omma at appa pero nagdahilan nalang ako na kailangan niyang magstay sa SG kasi nag-aaral siya don at ako magstay dito sa Korea dahil nandito yung work ko. Sana lang umpekto pa yung mga dahilan ko di ba?


Alam ko, in no time... walang sikretong hindi mabubunyag.


Malalaman din ng lahat ang totoo at malalaman din ng pamilya ko ang lihim namin ni Louise.


YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon