Chapter 4

136 8 2
                                    

"I'm sorry." She uttered.


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


B-bakit sorry?


Gusto ko siyang tanungin pero parang umurong yung dila ko. Naiiyak na din ako. Hindi ako makapagsalita ng kahit ano.


"I'm so sorry. I can't marry you. I'm sorry I can't accept your proposal. I'm sorry I can't love you back more than I have loved you before. I'm really sorry."


Wala na akong ibang narinig kundi puro 'sorry.'


Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Tumakbo siya palayo. Iniwan na niya ako.


Feel ko, mas okay pa yung titigan niya lang ako at least alam kong... mahal niya ko. Alam kong napapasaya ko siya kahit ayaw niyang ipakita. Kesa naman ngayon na nagsalita nga siya pero sobrang sakit naman ng nararamdaman ko.


Hindi ko maipaliwanag kung mahal pa ba niya ko o hindi na eh. Basta ang sakit.


Hindi ko na din naisip yung ginastos ko para lang maging espesyal tong araw na to sa kanya. Basta ang alam ko lang ngayon... sobrang sakit ng puso ko.


Umuwi nalang ako sa bahay at doon, nakita ako nila Ate Kris, Kristine at Mommy. Alam nila na magpopropose na ko kay Louise kaya laking gulat nila na umuwi akong luhaan. Hindi muna nila ako kinausap dahil nakikita naman nila kung gano ako nasasaktan.


Bakit sobrang sakit ng salitang sorry?


It's the hardest word I've ever heard.


Saka bakit ba siya tumanggi?


Sabi niya: "I'm so sorry. I can't marry you. I'm sorry I can't accept your proposal. I'm sorry I can't love you back more than I have loved you before. I'm really sorry."


Hindi na ba niya ako mahal?


Sumagot siya saken ng 'I love you' eh ibigsabihin mahal pa niya ko.


May iba na ba siya?


Hindi ko na alam yung gagawin ko kaya tumayo ulit ako at umalis ng bahay. Pumunta ako kina Louise.


"Louise! Lumabas ka dyan! Kausapin mo ko! Louise! Parang awa mo na!" lumabas yung kuya niya.


"Kristoff, wag muna ngayon. Magulo pa yung mga isip niyo. Hindi pa kayo magkakaintindihan ngayon." Sabi ni Kuya Luke sa akin.


"Kuya Luke, please gusto ko lang siyang makausap." I pleaded.


"Bumalik ka nalang bukas."


"Kuya please?" sinarhan niya ko ng pinto.

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon