UPDATE time :)
READ before VOTE (KUNG NAGUSTUHAN NIYO LANG)
wala namang sapilitang nagaganap ahaha :D
___________________
Marcus’ POV
After two weeks, naisipan ko munang bumalik sa bahay. Namimiss ko na kasi si Louise eh. Kamusta na kaya siya?
Pero bago pa ako makauwi, hinarang ako ni Kristoff.
“Can we talk?” tanong niya. Wala namang mawawala eh so pumayag ako.
“Sure.” Sagot ko.
Pumunta kami sa pinakamalapit na coffee shop.
“Anong pag-uusapan natin?” bungad ko
“Tungkol kay Louise.” Sagot niya. Napatingin ako sa kanya ng mata sa mata. Siryosong usapan to ah.
“What about her?”
“Alam ko na ikaw ang asawa niya.” Sinabi na pala sa kanya ng pinsan niya.
“Ano naman ngayon?”
“Hindi mo ba ako kilala?”
“Ikaw si Kristoff Arevalo, tama ba?” nagulat siya sa sinabi ko.
“Mukhang kilala mo na ako ah? Nagpaimbestiga ka pa ba?”
“Bakit ko naman gagawin yun? Eh hindi ka naman importante sa akin.”
“Tss. Mayabang. Hindi ko maintindihan kung bakit maraming nagkakagusto sayo pero hindi naman nila alam yung tunay mong ugali.” Sabi niya tas nag grin ako para mas maasar siya. “Anyway, since kilala mo na ako… alam mo din siguro kung sino ako sa buhay ni Louise?”
“Ikaw yung EX niya, di ba?” sagot ko tas mas mukha siyang naasar sa sinabi ko.
“Hindi mo nga ako kilala. Hindi lang naman niya ako basta EX eh. I am his boyfriend for almost 6 years at alam kong kahit kasal na kayo… ako pa din ang mahal niya. Alam ko din naman na may dahilan siya kaya siya napilitang magpakasal sayo eh.”
“Wag kang umasta na marami kang alam. Wala ka na bang sasabihin? Kasi may lakad pa ako kung hindi mo natatanong.”
“Wag kang kampante and one thing, pwede mo nang ayusin ang divorce papers niyo dahil kapag binalikan ko siya… tiyak sasama siya saken at iiwan ka na niya. Tandaan mo. MAHAL NA MAHAL niya ako.” Tss. Ang yabang naman nito umasta. Nakakaasar. May kasunduan kaya kami ni Louise at nangako siya na she will stay.
“Kung wala ka ng sasabihin… aalis na ko kasi sinasayang mo lang ang oras ko.” Tumayo ako at nilayasan ko siya.
Bumalik muna ako sa dorm para kunin yung iba kong gamit then after an hour, umalis na din ako para makauwi na ako sa bahay.
Kailangan kong makausap si Louise.
Pagdating sa bahay, iniwan ko muna sa labas yung kotse ko kasi bubuksan ko yung gate pero bago pa ako makalapit sa gate… may narinig akong parang nag-aaway sa hindi kalayuan.
Hinanap ko to at nakita ko si Louise.
Anong ginagawa niya dito? Tinignan ko yung kasama niya at nakita ko si… Kristoff.
Mukhang siryoso din yung pinaguusapan nila…
Malayo na ako nang…
“It’s because of you!” sigaw ni Louise. Napahinto ako. Inaamin na ba niya kay Kristoff ang lahat?
![](https://img.wattpad.com/cover/7189719-288-k999175.jpg)
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...