Louise's POV
Kailangan kong gawin to para mabuhay si Kristoff.
Alam ko masasaktan siya pag nalaman niya pero mas makakaya ko pang makitang nasasaktan siya kesa malaman na mawawala na siya ng tuluyan sa amin... sa AKIN.
Pumunta akong Korea para i-meet ang pamilya ni Marcus.
Masayang masaya sila nang makita nila ako at mukhang paniwalang paniwala naman sila sa mga pinagsasasabi namin ni Marcus.
Good thing pareho kami ng mga nasasabi like yung nagmeet kami sa Philippines 2 years ago. Nanuod ako non ng concert nila. Nagdedate na kami for a year. One year ko nang nasusubaybayan yung mga projects niya like yung movies at solo performances niya sa stage acting. Mas lalo nga niyang nacapture yung puso ko dahil sa pag arte niya eh.
Well, sa totoo lang... mas na-eexpress ko pa NOON yung kilig ko kay Marcus kesa sa kilig ko kay Kristoff at alam ni Kristoff yun. Hehe pero NGAYON, hindi ko pinapahalata kay Marcus na kinikilig ako. Mahirap na noh!
Hindi din ako umamin kay Marcus na celebrity crush ko siya. Utang na loob ah! Ayoko!
Nako baka isipin pa niya na pinakasalan ko siya dahil lang dun.
My gad!
Hindi siya yung pinangarap kong makasama habang buhay kahit na gustong gusto ko siya.
Kakausapin ko sila Kuya Luke at Kuya Liam na takpan lahat ng picture ni Marcus doon sa kwarto ko. Baka bigla niyang makita yun pag uwi namin sa Pilipinas nako talaga!!!
Nasabi ko na din pala kala mommy at kina kuya na magpapakasal na ako.
As expected... gulat na gulat sila.
Sino ba namang hindi magugulat di ba?
Ako na si Kristoff lang ang laman ng puso't isipan... biglang magpapakasal sa isang lalaking kailan ko lang nakilala?
Nagdahilan nalang ako sa kanila para maniwala sila sa dramang to.
Pagtapos naman ng kasal na to... matatapos na din naman ang lahat eh.
Kailangan lang talaga naming makasal sa papel para hindi na siya ipadala sa U.S. tas pagtapos nito... wala na kaming pakelam sa isa't isa.
Hindi naman kasama sa usapan na magsasama kami sa bahay eh kaya pumayag ako sa kasalan na to.
KinaMondayan, diretso kami sa Philippines para ayusin ang kasal at sa October 27 ang araw na yun.
Sakto, sa araw na yun... sinecelebrate ko din yung ika-3 taon simula nung unang beses na makita ko siya sa isang Korean movie. Trivia lang haha.
Ayun, pagdating namin, nameet niya family ko tas nagstart na kami na asikasuhin ang kasal.
Kung titignan mo, hindi mo iisiping palabas lang ang lahat ng to.
Bakit?
Kasi pareho kaming nagdedecide.
Mula sa invitations, sa kulay ng damit, bulaklak, saan yung venue, yung entourage, cake, food at kung anu ano pa.
Sa kanya lahat ng expences though sabi ko magsheshare din ako since may ipon naman ako kaso sabi niya... siya na daw bahala dahil siya yung lalake.
Gentleman naman pala siya eh.
Sumusobra nga lang yung kayabangan niya kung minsan kaya hindi ko nalang siya pinag-iiintindi.
Natapos ang lahat after 5 days.
Saturday yung araw ng kasal kasi by 28th, kailangan na naming bumalik sa Korea para ayusin yung papers namin doon then babalik din ako sa SG kasi exam week na namin.
Woooh!
This is it.
Everything will change after October 27.
I'm no longer Ms. Louise Rue Madrigal...
By October 28, I will be called Mrs. Louise Rue Lee.
*soon*
BINABASA MO ANG
You
FanfictionWhen you got to choose from a past lover whom you've promised to have vows with and to a present lover whom you never thought would exchange vows with you. Kristoff is the man she promised to have vows with. Marcus is the man she never thought would...