Chapter 27

83 5 0
                                    

OCTOBER 2 na! :D

______________ 

Louise’s POV

Naguluhan ako bigla kay Marcus nung ipinadala niya yung divorce pape sa akin.

Bakit?

Akala ko ba gusto na niya ako?

Gusto ko na din naman siya eh.

Bakit parang nagbago ang lahat?

Naabutan niya akong umiiyak. Umasta siya na parang walang nangyayari.

Ang gulo eh.

Ang gulo gulo.

Tas tinanong niya ko kung bakit hindi pwedeng magkabalikan kami ni Kristoff.

“Bakit nga?” tanong niya.

“Kasi nga mahal na kita. Kasi nga hindi na siya yung tinitibok nitong puso ko! Hindi mo ba maintidihan yun?!”

Sabi ko sa isip ko.

“Bakit nga Louise?” tanong ulit niya.

Hindi ko nasabi sa kanya yung mga salitang yun. Hindi ko din alam.

“Kasi nga nangako ako na tutulungan kita. Kapag umalis ako ngayon… pano ka? Titira ka sa America? Anong gagawin mo dun? Magiging masaya ka ba?” dahilan ko.

“Bakit ba yung kaligayahan ko yung iniisip mo? Bakit hindi mo isipin yung magpapasaya sayo?” sagot niya. Naiiyak na ko.

I don’t know what to say.

“Do you really want to end this now?” I seriously asked pero hindi ko na ulit mapigilang umiyak.

“Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. Kung mahal mo siya… then… let it be.”

“Pagpumirma ba ako… magiging masaya ka? Matutupad mo ba yung mga pangarap mo?”

“Kaya ko ang sarili ko. Hindi lang siguro tayo ang para sa isa’t isa.”

“Akala ko ba gusto mo ko? At walang makakapigil sayo na gustuhin ako? Marcus bakit? Anong nangyari?” I pleaded.

“Hindi ko alam! Hindi ko na alam. Naguluhan lang siguro ako. Nalito ako kasi ikaw yung asawa ko. Naiintindihan mo ba? Pero tanggapin na natin yung katotohanan na kahit kailan… hindi pwedeng maging tayo.” Paliwag niya.

Ouch.

I expected too much.

Sabi ko nga, imposibleng mahulog ang isang Marcus Lee sa kagaya ko.

Kinalma ko ang sarili ko at kinuha ko yung divorce papers sa drawer niya at pumasok ako sa room ni Mariel.

Pinag-isipan kong mabuti ang desisyon ko.

Kahit ayoko. Kahit masakit.

Dahil ayaw na niya…

Ayoko nang ipilit ang sarili ko sa kanya.

Nag-ayos na ako ng gamit hangga’t hindi pa dumadating sila mommy, daddy at Mariel.

Pumirma na din ako sa mga papels at isineal ito sa envelope.

Sabi doon, habang buhay na naming kakalimutan ang isa’t isa at puputulin na namin ang connection namin.

Parang kailan lang…

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon